^

Punto Mo

EDITORYAL - Naglipanang vape shops target ang menor de edad

Pang-masa
EDITORYAL - Naglipanang vape shops target ang menor de edad

NAKAAALARMA ang pagdami ng vape shops sa paligid ng mga paaralan. Mga estudyante ang kanilang parukyano. Paglabas ng mga estudyante sa school, sa vape shops sila deretso at nagpapakasugapa sa vape.

Noong nakaraang taon, nangako ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Health (DOH) na babantayan ang vape shops na nagbebenta sa menor de edad pero hindi nila tinupad. Dumadaan lang ang mga pulis sa harap ng vape shops na parang walang nakita.

Ipinangako naman ni Finance Secretary Ralph Recto, na ipapanukala niya ang pagbabawal ng lahat ng uri ng mga disposable vape products sa Pilipinas. Ayon kay Recto, karamihan sa disposable vapes na ipinagbibili sa bansa ay hindi rehistrado sa Department of Trade and Industry (DTI). Hindi rin umano nagbabayad ng excise taxes ang mga ito. Ang DTI ang nangangasiwa sa bentahan ng disposable vapes sa bansa.

Ikinatuwa naman ng DOH ang hakbang ni Recto na ibawal ang disposable vape products. Ayon sa DOH, lahat nang vape products ay mapanganib sa kalusugan. Ang disposable vapes ay gawa sa plastic at batteries at nagtataglay ng harmful chemicals na kapag nalanghap ay delikado sa baga.

Noong Hulyo 2022, naging batas ang Vape Bill kahit hindi nilagdaan ni President Ferdinand Marcos Jr. Layunin ng batas na ma-regulate ang importasyon, paggawa, pagbebenta, distribusyon, at paggamit ng vaporized nicotine at non-nicotine products.

Bago ito naging batas, maraming sumalungat sapagkat mapanganib sa kalusugan. May sangkap itong nicotine, propylene glycol, carbonyls at carbon monoxide na nagiging dahilan ng cancer sa baga. May naitala ng kaso ng vape associated lung injury noong 2018. Nakuha niya ang sakit sapagkat ang mga kasamahan niya sa bahay ay gumagamit ng vape.

Pangunahan naman sana ng local government units (LGUs) ang pagbabawal sa vape sa kanilang lungsod at bayan. Sa kasalukuyan, ang Valenzuela City at Pasig City pa lamang ang nagbabawal sa vape smoking. Gayahin sana ito ng iba pang lungsod. Huwag silang hayaan na masira ng bisyong ito. Ipasara ang vape shops sa bisinidad ng eskuwelahan na ang tinatarget ay menor de edad. Ito ang tamang hakbang para mailigtas ang kabataan sa pagkagumon sa vape.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with