^

Punto Mo

BI na naman!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MUKHANG hindi na matatapos ang mga kontrobersiya dito sa tanggapan ng Bureau of Immigration (BI).

Mistulang sa iba’t ibang modus o istilo nasasangkot ang mga tauhan at opisyal nito.

Kahit na nga nagiging kontrobersiya, parang walang kadadala at hindi natatakot ang ilan.

Kahapon sumugod sa Pasay Prosecutor’s Office ang nasa higit 20 miyembro ng Indian community mula pa sa Iloilo at Antique kung saan nagharap sila ng patung-patong na kaso laban sa may 13 immigration officials.

Mga kasong kidnapping, arbitrary detention at extortion ang kanilang isinampa laban sa mga BI men.

Kasama rin sa nagtungo sa Pasay Prosecutor’s Office si President Boy Evangelista ng VACC upang suportahan ang mga complainants sa kanilang reklamo.

Ayon sa kanilang abogado na si Atty. Boy Magpantay ikinulong ang mga naturang biktima ng higit isang linggo kahit kumpleto umano sila sa mga dokumento.

Hindi pa dyan natatapos, nagkaroon pa umano ng bargaining sa hinihingi umanong pera bawat ulo. Nagmumula ito sa isang milyon hanggang bumaba sa P350,000 bawat isa.

Mas lalong matindi umano ang tinamong trauma ng mga biktima sa kamay ng BI officials.

Hindi nga yan dapat balewalain, kundi dapat agad na maaksiyunan dahil magkakaroon na naman ng bahid ang bansa dahil dito.

Mistulang hindi nauubusan ng pamamaraan para lamang kumita ng pera.

Hindi nga ba’t naging kontrobersiyal na modus sa BI ang ‘pastillas scheme’ na inimbestigahan pa nga ng Senado. Ilang matataas na opisyal sa bureau ang sinasabing nasangkot dito.

Ang scheme na ito ay ang pagpapalusot ng mga Chinese nationals sa bansa nang walang isinasagawang background check kapalit ng malaking halaga o ‘grease money’.

Ngayong mukhang ibang istilo naman ang gamit pero iisa ang layon ang pagkakitaan ang mga dumarating na dayuhan.

Sinabing may 50 iba pa ang lulutang na biktima rin ng ganitong gawain ng ilang BI officials.

Aantabayanan natin ang mga magiging pag-aksyon dito ng mga kaukulang ahensya dahil sa naglalagay na naman ito sa bansa sa malaking kahihiyan.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with