^

Punto Mo

Sim card na may unique na numero, naibenta ng milyones sa Dubai!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG auction ang naganap sa Dubai, United Arab Emirates kung saan pinasubasta ang SIM card na may unique na number sa halagang 3.2 million UAE Dirham (katumbas ng Php 49 million!)

Ang “Most Noble Number” ay isang cha­rity auction na sinimulan ni Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum, upang makalikom ng pera para sa edukasyon ng mga kabataan sa buong mundo.

Naganap ito sa Four Seasons Resort Dubai sa Jumeira Beach kung saan dinaluhan ito ng mga businessmen at philantropists. Nagpa-auction sa event ng 10 special plate numbers at 21 SIM cards na may unique mobile numbers.

Isa sa pinag-agawan na SIM card number ay ang 0587777777. Pinaniniwalaan na masuwerte ang number 7 at sinisimbolo nito ang pitong bansa sa United Arab Emirates. Nagsimula ang bidding sa halagang 100,000 Dirham ngunit matapos lamang ang ilang segundo, umabot ito sa 3.2 million Dirham.

Bukod dito, pinag-agawan din ang plate number na V39 kung saan umabot ang final bid nito sa 4 million Dirham.

Umabot sa 38 million Dirham ang nalikom sa auction at gagamitin ito bilang endowment fund sa iba’t ibang mga educational organizations sa buong mundo.

vuukle comment

SIM CARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with