^

Punto Mo

Utak sa pagpaslang kay Jumalon, tinutugis!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH report: Umiikot sa mga region si alyas Maklang para ayusin ang “tabakuhan.” Ayon sa mga kosa ko, kinakausap ni Maklang ang mga regional directors para ipahuli ang mga tong­ kolektor na kinakaladkad ang pangalan ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga financiers ng sugal lupa. Kung sabagay, magulo itong “tabakuhan” sa ngayon dahil walang perma­nenteng may mando kung sino talaga ang kukuha para sa ”hari.” Si Maklang na kaya? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Mukhang milyones ang obligasyon ah. Dapat siguro ipaaresto ni Marbil itong si Maklang para hindi madungisan ang pangalan n’ya sa sugal lupa. Mismooooo!

-oooooo-

Naniniwala ang pulisya na may nag-utos dito sa gunman na si Julito Mangumpit, alyas Ricky, para paslangin ang broadcaster na si Juan “Johnny Walker” Jumalon sa loob ng kanyang bahay sa Misamis Occidental ng nakaraang taon. Si Mangumpit ay nasakote ng combined Misamis Occi­dental at Zamboanga del Norte police sa bisa ng arrest warrants sa kasong pagpaslang kay Jumalon.

Sinabi ni PNP public information officer at spokesperson Col. Jean Fajardo na naniniwala silang­ may nag-utos sa pagpaslang kay Jumalon at ‘yan ang pinagkaabalahan sa ngayon ng mga police investigators. Mismooooo! Hindi nagko-cooperate itong si Mangumpit sa imbestigasyon sa kaso, kaya lang swak s’ya sa banga dahil sa malakas na ebidensiya ng pulisya laban sa kanya. Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon kay Fajardo, hindi lang si Jumalon ang pinaslang nitong si Mangumpit kundi marami pa. ‘Yan ay dahil ang basyo ng bala na narekuber sa bahay ni Jumalon ay kaparehas ng nakuha sa pinaslang na engineer sa Misamis Occidental. Hindi lang ‘yan? Si Mangumpit, na dating miyembro ng New People’s Army, ay nakaharap pa sa walong outstanding warrants sa kasong murder, frustrated murder, direct assault at violation of RA 9165. Hehehe! Ang kasamaan talaga ay may katapusan, no mga kosa?

Matatandaan na nahuli rin ang dalawang kasabwat ni mangumpit noong Marso kaya’t accounted for na ang lahat ng personales na sangkot sa pagpaslang kay Jumalon. Hindi pa malaman kung ano ang motibo sa pagpaslang kay Jumalon dahil, tulad ni Mangumpit, may busal ang bibig ng dalawa niyang kasamahan. Get’s n’yo mga kosa? Si Mangumpit ay nakunan ng CCTV na pumasok sa bahay ni Jumalon at pinagbabaril n’ya ito habang nakasalang ang huli sa kanyang programa. Sa kanyang pagtakas, tinutukan din ni Mangumpit ang bantay sa gate ng bahay ni Jumalon. Eh di wow! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ito palang si Mangumpit ay member ng guns-for-hire syndicate, ayon kay Fajardo. Kaya’t may nagbayad talaga para ipautas si Jumalon, dahil walang motibong makita na may hidwaan itong si Mangumpit at kasama n’ya vs Jumalon. Dahil dating NPA rebel, maraming lugar na maaring pagtataguan si Mangumpit. Kaya lang, minalas siya dahil may dating kasamahan sa grupo na gumiya sa kapulisan para tuldukan ang kasamaan n’ya. Sanamagan! Hayun, Swak sa banga s’ya. Ang sakit sa bangs nito!

Kaya parang tumama rin sa lotto itong testigo dahil mapupunta sa kanya ang P3.7 milyon reward sa pagkahuli kay Mangumpit, kasama pa ang P100,000 na galing sa PTFoMS. Suwerte-suwerte lang talaga. Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with