^

Punto Mo

Backlog sa plastic driver’s license, matugunan na kaya?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sana nga ay magkatototoo ang naging pahayag ng Land Transportation Office (LTO) na inaasahang matutugunan na hanggang sa buwan ng Mayo ang milyong backlog sa plastic drivers license sa buong bansa.

Hanggang ngayon pala eh marami pa ring mga motorista ang may hawak ng lisensiyang papel, matapos nga ang mga naging aberya patungkol sa plastic drivers license.

Ayon sa LTO na sa darating na buwan ng Mayo, inaaasahan nilang maidedeliber na ang 2.2 milyong dagdag na plastic cards na maipapamahagi na sa mga driver.

Nauna nang naideliber noong nakaraang linggo sa LTO central office ang nasa isang milyong plastic cards.

Ito nga ay matapos tanggalin na ng Court of Appeals ang injunction order para sa delivery ng nalalabing 3.2 million plastic cards.

At pagkatapos ng 45 araw inaasahan na maidedeliber na rin sa buwan ng Mayo ang natitirang 2.2 milyon na plastic cards na ito nga ang tutugon sa backlog.

Sa kabila nito ang mga plastic cards ay dadaan pa rin sa pagsusuri ng mga eksperto sa Department of Science and Technology (DOST).

Siyempre pa kailangang matiyak na pasado at angkop ito sa naitakdang security features.

Tatagal ba ang mga ito ng sampung taon na siya ngayong maximum validity sa drivers license?

Sa oras umano na ma-clear na ang mga ito, agad na itong ida-download sa mga regional office para sa proseso at pag-claim na inaasahang magsisimula sa Abril 15.

Yun nga lang baka naman dyan na naman tumagal, dapat na matiyak ang mabilis na pag-usad sa proseso upang hindi na namang magkapatung-patong at tuluyan na malutas ang backlog.

Yan ang ating aantabayan sa mga susunod na araw.

vuukle comment

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with