^

Punto Mo

EDITORYAL - Walang puso sa aso

Pang-masa
EDITORYAL - Walang puso sa aso

MAY batas laban sa pagpapahirap, pagtorture at pagpatay sa mga hayop. Ito ang  Republic Act 8455 (Animal Welfare Act of 1988 na inamyendahan ng Republic Act 10631. Ang mga lalabag ay may kaparusahang pagkakulong at pagmumultahin. Pero sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagmamalupit at pagpatay sa mga aso para gawing pulutan. Hanggang sa kasalukuyan, marami pa rin ang nahuhuli habang ibinibiyahe ang mga aso na nakakarga sa dyipni patungong Baguio City. Doon kakatayin para ibenta ang karne at gawing pulutan.

Noong nakaraang taon, isang security guard na naghagis ng tuta mula sa footbridge sa Quezon City ang sinibak sa trabaho at sinampahan ng kasong kriminal. Nakilala ang sekyu na si Jojo Malicdem. Ang tuta ay pag-aari ng mga bata na namamalimos sa footbridge. Pinaaalis ni Malicdem ang mga bata sa footbridge at nang hindi siya pakinggan ang ­binalingan niya ay ang tuta. Dinampot at inihagis mula sa footbridge. Patay ang tuta.

Noong Marso 16, isang Golden Retriever ang pinukpok hanggang sa mamatay ni Anthony Solares ng Bato, Camarines Sur. Ang aso na pinangalanang Killua ay nakawala sa may-ari nito. Nakalabas sa gate. Makikita sa video na hinahabol ni Solares si Killua at nang abutan ay pinaghahampas hanggang mamatay. Isinilid sa sako ang aso.

Inamin ni Solares na siya ang pumatay sa aso. Nagawa raw niya iyon para protektahan ang mga taong mapeperwisyo ng aso. Dalawa na raw ang nakagat. Kung hindi raw niya ginawa iyon, baka marami pa ang makagat. Ginawa lang daw niya ang nararapat.

Sabi naman ng may-ari ng aso na si Vina Rachelle, malinaw sa CCTV footage na si Solares ang humahabol at umaatake sa kanyang aso. Hindi rin siya naniniwalang may kakayahan si Killua na mangagat. Mabait na aso raw si Killua.

Nahaharap sa kaso si Solares at maaring maparusahan. Marami ang kumondena sa ginawa niya. Hindi niya raw dapat pinatay ang aso. Maraming nagalit sa ginawa ni Solares kay Killua. Masyado raw malupit si Solares.

Nararapat palaganapin at ipaunawa sa lahat ang batas ukol sa kapakanan ng mga hayop. Sinabi ni Sen. Grace Poe, dapat pagtibayin ang isinusulong niyang Revised Animal Welfare Act. Sa ilalim ng panukala, isasama sa kurikulum sa elementarya at high school ang wastong pagmamahal at pagprotekta sa mga hayop.

Nararapat ito sapagkat marami ang walang muwang sa batas na nagpuprotekta sa mga hayop. Ang inihahaing batas ay nararapat maisakatuparan upang maiwasan na ang pagpatay sa mga hayop.

vuukle comment

ANIMAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with