^

Punto Mo

Ang ama na aking hinangaan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

HINDI ko malimutan ang nag-viral sa FB noong Marso 2023 tungkol sa amang jeepney drayber na hindi pinagbabayad ng pasahe ang mga pasahero niya. Nangyari ito sa Bato, Camarines Sur. Ang amang drayber ay si Rey Salcedo. Isang buong araw na libre ang mga sumasakay sa jeepney ni Rey.

May tarpaulin sa likod ng upuan ni Rey na nakasaad:

LIBRENG SAKAY DAHIL ‘PASADO ANG ANAK KO’

Pumasa sa Mechanical Engineers board exam noong Pebrero 2023 ang kanyang anak na si Joseph Salcedo. Nagtapos si Joseph ng Mechanical Engineering sa Camarines Sur Polytechnic Colleges.

Sa tuwa ni Rey sa pagkakapasa ng kanyang anak, ipinangako niya na libre ang bawat sasakay sa jeepney niya. Ang libreng sakay ay nangyari noong Marso 8, 2023. Natuwa rin ang may-ari ng jeepney kaya hindi na pinag-boundary si Rey ng araw na iyon.

Tatlo ang anak ni Rey na pawang mga propesyunal na. Ang panganay (babae) ay nagtapos ng Bachelor of Science in Office Administration, habang ang ikalawa (lalaki) ay nagtapos din ng Bachelor of Science in Mechanical Engineering na katulad ni Joseph.

Lahat sila naitaguyod ni Rey sa pamamagitan ng pamamasada ng jeepney. Napakasipag at ulirang ama. Hindi siya nagkulang at ginampanan ang responsibilidad sa kabila na kakarampot ang kinikita sa pagiging drayber.

Hangang-hanga ako sa amang ito.

Nadismaya naman ako nang mabasa kahapon ang tungkol sa isang Army colonel na hindi pinayagan ng Commission on Appointment (CA) na ma-promote bilang brigadier general si Ranulfo Sevilla. Ang dahilan kaya hindi na-promote, hinarang mismo ng kanyang asawang si Tessa Luz Reyes-Sevilla, ang promosyon. Nagtungo sa Senado si Mrs. Sevilla, kasama ang kanyang 12-anyos na anak na babae at siniwalat ang malagim na naranasan sa kamay ng asawa. Sinabi ni Tessa na hindi karapat-dapat ma-promote ang kanyang asawa. Matagal na umano siyang nananahimik at napakatagal na rin niyang tiniis ang mga umano’y pang-aabuso ng kanyang asawa. Nagtiis na raw sila nang matagal. Wala na nga raw sustento, nakukuha pang mambabae. Pinatotohanan ng kanilang anak na babae ang mapang-abusong gawain ng kanyang ama. Noong Martes, hindi pinalusot ng CA ang promotion ni Sevilla.

Tsk-tsk-tsk, tinalo pa ng jeepney drayber na kumikita ng karampot ang isang miyembro ng AFP na sumusuweldo ng daang libong piso.

vuukle comment

FACEBOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with