^

Punto Mo

‘Bayawak’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANGYARI ito noong ako ay dalaga pa—summer ng 1980. Madalas akong magbakasyon sa bahay ng aking mga lolo at lola sa isang bayan sa Southern Tagalog. Kasama ko ang aking dalawang pinsan na mga babae rin.

Malawak ang taniman ng niyog, saging, lansones, langka, suha at iba pang bungangkahoy ng aking mga lolo at lola. Bukod dun ay mayroon din silang taniman ng palay, mais at mani.

Kapag tanghali na mainit ang panahon ay naliligo kaming magpipinsan sa sapa na na napakalinaw ng tubig. Napakasaya namin habang naghahabulan sa tubig. Titigil lamang kami oras na ng pananghalian. Napakasarap ng aming pananghalian na kung hindi ginataang native na manok ay inihaw na tilapia at hito. Mabango at masarap ang kanin na ayon sa ­aking lolo ay inani ang palay mula sa bundok. Malamig na buko juice ang aming drinks.

Isang tanghali, nagkakayayaan kaming magpipinsan na ma­masyal sa taniman ng langka at lansones. Sinamahan kami ng aming pinsang lalaki na sanay sa bukid sapagkat siya ang kasama ng aming lolo at lola. Sabi ni Lolo, marami na raw hinog na lansones at langka.

Tuwang-tuwa kami nang makarating sa taniman sapagkat nun lang ako nakakita ng napakaraming bunga ng langka. At marami na ngang hinog. Naaamoy namin ang hinog na langka. Pati lansones ay mga hinog na rin.

Inuna naming mamitas ng hinog na langka. Umakyat ang aking pinsang lalaki sa puno ng langka para kunin ang mga hinog.

Pero hindi pa siya nakararating sa kalahati ng puno ay umatras siya. Mayroon daw bayawak!

Bumaba ang aking pinsan at itinuro sa amin ang bayawak na nakakapit sa mismong bunga ng langka. Nakita namin ang bayawak na singlaki ng aking braso. Sabi ng aking pinsan, kinakain ng bayawak ang hinog na langka.

Sabi ng aking pinsan, itataboy niya ang bayawak. Kumuha siya nang mahabang kawayan. Pinalayo niya kami sa puno at saka sinimulang sundutin ang bayawak para umalis sa hinog na langka. Pero ayaw kumilos ng bayawak kaya pinagpatuloy ng aking pinsan ang pagsundot.

Kami ng aking mga pinsan ay nakiusyuso. Nakatingala kami at pinagmamasdan ang bayawak. Patuloy ang aming pinsang lalaki sa pagsundot sa bayawak. Itinodo na ang pagsundot para umalis ang bayawak.

Nang bigla-bigla, bumitaw ang bayawak at sa aking likuran bumagsak! Nagsisigaw ako! Mabilis na dumalo ang aking pinsang lalaki at inalis ang bayawak sa pagkakakapit sa aking likod. Mabuti na lang at naka-jacket ako ng maong at hindi bumaon ang kuko ng bayawak sa aking likod. Nahuli ng aking pinsan ang bayawak.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang karanasang iyon.

vuukle comment

ANIMAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with