^

Punto Mo

Simpleng resbak ni Bebot kay Sara ang baklas Mindanao

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

KAPIT-BISIG sina dating Pres. Digong Duterte at Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez na baklasin ang Mindanao sa mapa ng Pilipinas. Mantakin n’yo nga naman na isang dating Presidente at isang kongresista mula sa Mindanao ang naririmarim pala sa kabuuan ng sarili nilang bansa. Shocking di ba?

Sa hakbanging ito nina Digong at Bebot, siguradong hindi gugus­tuhin pa ng taga-Luzon at Visayas na pamunuang muli tayo ng isa pang taga-Mindanao. Lumalabo lalo ang planong kandidatura ni VP Sara sa pagka-presidente sa 2028. Tsk-tsk-tsk!

Maraming taga-Mindanao ang hindi kumporme sa diskarte nina Digong at Bebot. Malamang lumatay ito kay Sara at mawindang ang political ambition nito sa hinaharap. Bawas puwersa!

Sa pananaw ng mga amuyong, binabalikan lang daw ni Bebot si Sara sa ginawang pagsibak sa kanya bilang Speaker of the House of Representatives noong 2018. Pinalitan si Bebot ni Rep. Gloria M. Arroyo. Si Sara diumano ang nagpasimuno ng lahat. Nakupooo!

Ganito rin ang diskarte ni Sen. Robinhood Padilla sa plata­porma niyang pederalismo na lumabo na rin sa plenaryo ng Senado. Number 1 nga sa senatorial election, kulelat naman sa deliberasyon. Salimpusa rin lang ang dating. Ano ba yaaan!

vuukle comment

PANTALEON ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with