^

Punto Mo

Model sa India, nagpanggap na namatay para isulong ang cervical cancer awareness!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang kilalang model sa India ang nakatanggap ng pambabatikos matapos itong magkunwaring namatay upang isulong ang kanyang advocacy laban sa cervical cancer!

Nagulat ang mga fans ng model na si Poonam Pandey nang magkaroon ng anunsyo sa Instagram account nito na namatay na ito noong Pebrero 3, 2024. Ayon sa anunsyo, namatay sa cervical cancer si Pandey.

Si Pandey ay isang 32-year-old model, ­reality show star at Bollywood actress. Nakilala siya sa mga reality show na “Fear Factor India” at “Lock Upp”.

Bumuhos ang pakikiramay mula sa mga fans at kaibigan nito sa comment section ng naturang Instagram post.

Ngunit nagkaroon ng pagdududa sa katotohanan ng pagkamatay nito matapos may mag-comment na kakikita lang niya kay Pandey sa isang red carpet event sa Goa, tatlong araw bago ianunsyo ang pagkamatay nito. Ayon pa sa comment, mukhang walang sakit si Pandey habang nasa event.

Isang araw matapos mapabalita ang kanyang pagkamatay, nag-post ng video si Pandey kung saan pinakita niyang buhay pa siya at umamin na publicity stunt lamang ang lahat ng ito. Ayon dito, gusto niyang isulong ang cervical cancer awareness sa India at sa tingin niya ay ito ang pinakamagandang paraan para mapag-usapan ang sakit.

Inulan ng pambabatikos si Pandey ngunit ipinagmalaki pa ng modelo na “proud” siya sa kanyang ginawa dahil napag-usapan at naging aware ang karamihan sa cervical cancer.

vuukle comment

CERVICAL CANCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with