^

Punto Mo

Shabu, sunugin agad para walang makinabang

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Halos araw-araw na lamang ay may nakukumpiskang shabu ang mga awtoridad. At hindi lang basta kokonting shabu—marami at nagkakahalaga ng milyong piso. At sa kabila na bulto-bulto ang shabu na nakukumpiska, marami pa rin at walang pagkaubos ang supply.

Sa nangyayari, iisipin na ang mga nakukumpiskang shabu ng mga awtoridad ay yun din ang muling ibinibenta sa kalye. Nire-recycle at pinagkakaperahan muli. Hindi imposible sapagkat maraming police scalawags na “nagsusubi” ng nakumpiska nilang droga. Kung ang nakumpiskang droga ay 15 kilo, babawasan nila ng limang kilo at 10 kilo lang ang idedeklara.

Posibleng mangyari sapagkat may mga patunay na. Marami nang pulis na mga miyembro ng drug enforcement group ang nasibak dahil sa pag-recycle ng shabu. Ang nangyari, yung ninakaw nilang shabu ay nanakawin uli para pagkakitaan nang malaki.

Ganyan ang nangyari sa 1-toneladang shabu na nakumpiska kay Sgt. Rodolfo Mayo noong Oktubre 8, 2022 at itinago sa lending office nito sa Tondo, Manila. Nagkakahalaga ang shabu ng P6.7 bilyon.

Nang salakayin kuno ang opisina ni Mayo ng mga operatiba ng PDEG, nakuha rito ang sandamukal na shabu subalit lingid sa kaalaman ng mga nang-raid, nakapagsubi na ng 20 kilos ang dalawang kasamahan nilang raiders. Kaya may bawas na ang dineklarang shabu.

Nagkaroon ng cover-up sa nakumpiskang shabu at sinibak lahat ang opisyal at miyembro ng PDEG. Subalit mayroon umanong matataas pang opisyal na sangkot sa cover-up.

Halimbawa lamang ito at marami pang nangyayaring ganito. Hindi na dapat itinatago nang matagal ang kinumpiskang shabu dahil maraming police scalawags ang matutuksong nakawin para pagkaperahan muli. Maski sa PDEA ay nangyayari ang ganito. Dalawang taon na ang nakararaan, isang hepe at dalawang tauhan niya ang hinuli ng mga kabaro niya dahil sa pagbebenta ng shabu. May nagkunwaring bibili ng droga at nahuli ang tatlo sa mismong headquarters.

Sinabi minsan ng PDEA na sinusunog nila ang mga nakukunpiskang shabu sa isang pasilidad sa Cavite. Pero hindi na nasundan kung mayroon pa silang mga sinunog. Dapat sunugin na agad ang mga nakukumpiska at hindi na dapat itago pa. Hindi mauubos ang droga kapag napasakamay ng mga pulis na drug enforcers na scalawags.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with