^

Punto Mo

EDITORYAL - Mundo vs plastic

Pang-masa
EDITORYAL - Mundo vs plastic

Lalangoy sa plastic ang bansa. Ito ang sinabi ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga kaugnay sa malaking problema sa plastic pollution ng Pilipinas. Kung hindi raw magkakaroon ng ­solusyon ang plastic pollution, nahaharap sa malaking problema ang bansa. Kaya ang pagkilos ngayon ay mahalaga. Plastic ang kalaban ng mundo ngayon.

Ayon kay Loyzaga, malaking panganib sa kalusugan ng tao ang plastic at ganundin sa ecosystems at climate change. Ayon pa sa Environment secretary, nakikitaan ng plastics sa bituka ang mga isda at ganundin naman, sumasama sa ulan ang microplastics.

Matindi ang problema sa plastic pollution. Ang Pilipinas ay nagpo-produce ng 2.7 milyong tonelada ng plastics wastes bawat taon at ang mga ito ay humahantong sa landfills, natatambak sa mga ilog, sa water supply at ang pinakahuli ay ang karagatan.

Ayon sa pag-aaral na nalathala sa Science Advance Journal, ang Pasig River ay nakakapag-contribute ng mahigit 356,000 metriko tonelada ng plastic na basura sa karagatan bawat taon.

Problema ang plastic na basura hindi lamang sa Metro Manila kundi sa maraming lugar sa bansa. May mga ipinatupad na batas ukol sa pagbabawal sa paggamit ng plastic pero ningas kugon lamang. Mahusay lamang sa simula.

Noong Pebrero 12, 2020, inaprubahan ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) ang isang resolusyon na nagbabawal sa single-use plastics sa lahat ng government offices. Inatasan ng NSWMC ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipatupad ang kautusan. Subalit wala nang narinig ukol dito. Patuloy pa rin ang paggamit ng single-use plastics.

Ang mga single-use plastics na kinabibilangan ng sachets ng shampoo, hair conditioner, 3 in 1 coffee, catsup, toothpaste, straw at mga sando bags na karaniwang ginagamit sa palengke ang nakatambak sa mga estero at kanal at nagiging dahilan nang pagbaha.

Nagbabala ang coalition ng environmental groups na kung hindi gagawa ng paraan ang pamahalaan para mabawasan ang paggamit ng single use plastic, aapaw ang may 59.7 bilyong sachets sa Metro Manila.

Nararapat namang tumulong ang Pilipinas sa ­paglilinis sa mga plastic na itinapon sa karagatan. Ang Pilipinas ay isa sa top polluter ng karagatan kung saan pawang plastic sachet ang itinatapon. Plastic ang kalaban ng mundo kaya dapat magkaroon ng ngipin ang DENR sa mga sumisira sa kapaligiran.

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with