^

Punto Mo

Suspension ni ­Aurora Gov. Noveras, ­‘politically motivated?’

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Katakut-takot na kamalasan ang inabot ni Aurora Gov. Gerardo Noveras at mga kaalyado niya matapos patawan ng magkasunod na suspension ng Ombudsman. Makakabawi pa kaya si Noveras at mga alipores niya? Sa 2025 midterm election ang kasagutan. Ang kasong isinampa laban kay Noveras ay bunga sa pag-install ng Sprinkle System sa Aurora Memorial Hospital at ang illegal printing ng election paraphernalia. Politically-motivated kaya ang dalawang kaso? Ano sa tingin n’yo mga kosa ko d’yan sa Aurora?

Dahil sa suspension ni Noveras at kasamahan, mukhang pakuya-kuyakoy na lang si Sen. Sonny Angara kapag matuloy siyang tumakbo sa pagka-gobernador sa Aurora sa darating na local elections. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan.

Ang ipinagtataka lang ng kampo ni Noveras ay halos magkasunod na ipinataw ng Ombudsman ang suspension laban sa kanila ng alipores niya. Ibig bang sabihin Swak sa banga talaga si Noveras at mga kakampi n’ya? Mismooooo! Kapag naalpasan n’ya ang isang kaso, abayyyyy may isa pa s’yang pagkaabalahan ng panahon. Ganun ba ‘yun?

Ang desisyon sa Sprinkle System ay inilabas noong Nobyembre 17, 2023, samantalang ang sa illegal printing case ay noong December 12, 2023.Ang dalawang desisyon ay  pirmado nina Graft Investigation and Prosecution Officer lll Leilani Tagulao-Marquez at Assistant Ombudsman Pilarita Lapitan. Aprub ang mga ito ni Ombudsman Samuel Martirez. Araguyyyyy! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Itong kaso ng Sprinkle System ay isinampa laban kay Noveras, kasama ang Bids ang Awards Committee at engineers ng Provincial Engineering Office noong October 1, 2016. Samantalang ang kaso laban kay Noveras, iba pang kandidato at empleado ng provincial government ng Aurora ay isinampa ni Narcisco Amansec noong April 22, 2022. Tsk tsk tsk! Masalimuot pala ang pulitika sa Aurora, no mga kosa?

Ayon kay Amansec, itong si Noveras at Michael Tecuico, ay nakitang gumagawa ng tarpaulin, kasama sina Joel Friginal, ang supervisor ni Tecuico at Ricardo Bautista, hepe ng Provincial General Services Office. Ayon sa kampo ni Noveras, wala namang ipikaitang ebidensiya si Semantec na inutusan n’ya si Tecuico bago at sa aktong gumagawa ito ng tarpaulin. Wala ding basehan si Semantec na may kinalaman si Noveras sa ginagawa ni Tecuico., na isang casual employee. Ano ba yan?

Kaya lang pinatawan ng Ombudsman ng guilty verdict itong si Noveras at mga kaalyado, kasama na si Tecuico, sa kasong grave misconduct prejudicial to the best interest of the Service at conduct unbecoming of public official. Hinatulan sila ng penalty na dismissal from the service ayon sa Sec. 10 Rule lll of Administrative Order No. 07 as amended. Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa pitong taon na. kaso naman, guilty uli si Noveras at kaalyado sa kasong grave misconduct, gross neglect of duty at incompetence in the performance of official duties. Inutusan ang mga akusado na magbayad ng fine na katumbas ng sahod nila sa isang taon. Samantalang, sa kasong kriminal, probable cause ang findings sa violation of Section 3 of RA 3019. Hehehe!

Sobrang tagal na ng kasong ito at bigla na lang nagkaroon ng desisyon. Ang sakit sa bangs nito! Teka nga pala! Gaano katotoo ang akusasyon ng kampo ni Noveras na si Tagulao-Marquez ay kamag-anak ng asawa ni incumbent Gov. Reynante Tolentino? Sal-it! Abangan!

vuukle comment

OMBUDSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with