^

Punto Mo

PUV modernization, naudlot uli!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NAGKAPAG-ASA ang mga drivers at operators ng pampublikong sasakyan na nanganganib sanang tuluyang maging kolorum pagsapit ng Peb. 1.

Ito’y matapos na pagbigyan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang hirit patungkol sa ipatutupad na modernisasyon sa transportasyon.

Inaprubahan ng Pangulo na mapalawig pa hanggang sa Abril 30 ang consolidation ng public utility vehicles (PUVs).

Ayon nga sa Palasyo, ito ay para mabigyan pa ng sapat na panahon ang mga nagnanais na makasali sa consolidation at maghayag ng kanilang intensyon na sumali sa modernization program ng pamahalaan.

Disyembre 31, 2023 ang deadline sa consolidation ng PUVs at ang hindi nakasama dito ay magiging kolorum na pagsapit ng Pebrero 1.

Dahil nga rito, umapela na rin ang ilang transport groups sa Korte Suprema para maipahinto ang pagpapatupad nito, pero hanggang sa ngayon nga eh walang naging tugon dito ang Mataas na Hukom.

Mistulang nawalan na nang pag-asa ang marami na nanganganib na tuluyang mawalan ng hanapbuhay kaya kung sinu-sino na ang kanilang nilapitan.

Humingi na rin sila ng suporta sa mga mambabatas, hanggang sa pinagbigyan ni Marcos ang hirit ng mga ito.

Mahaba-haba ang palugit na tatlong buwan.

Dapat na gawin na kung ano ang dapat gawin, ang mahirap kasi dyan baka ubusin lang ang ibinigay na panahon at pagdating na naman ng deadline hihirit uli ng ekstensyon.

Baka ang mangyari eh pababalik-balik na lang sa dati.

Sa panig naman ng DOTr, mas dapat na maipaliwanag na mabuti sa pinakamadaling paraan sa transport groups kung paano ba ipapatupad ang programa.

Iba iba kasi ang paliwanag, kaya iba-iba ang nagiging interpretasyon.

Kaya nga may pabor , may tutol!

vuukle comment

PUV MODERNIZATION PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with