^

Punto Mo

Pinakamatandang hayop sa buong mundo, nagdiwang ng 191st birthday!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pagong na tinagurian pinakamatandang hayop sa buong mundo ang nagdiwang ng 191stbirthday sa British overseas territory na Saint Helena.

Ayon sa mga eksperto, maaaring mas matanda pa sa 191 ang edad ng tortoise na si Jonathan. Noong dinala ito sa Saint Helena mula sa Seychelles noong 1882, may estimate ang mga zoologist na 50 years old ito.

Dahil sa katandaan, binigyan ng Guinness World Records si Jonathan ng dalawang titulo, ang “World Oldest Living Land Animal” at “Oldest Turtle/Chelonian in Recorded History”.

Si Jonathan ay isang Seychelles giant tortoise, isang specie na ang average lifespan ay 150 years.

Ayon sa nag-aalagang beterinaryo kay Jonathan na si Dr. Joe Hollins, nawala na ang paningin nito dahil sa katarata. Dahil sa katandaan, wala na rin itong panlasa ngunit magana pa rin itong kumain.

Kasalukuyang nakatira ngayon si Jo­na­than sa Plantation House, ang bahay kung saan naninirahan ang governor ng Saint Helena.

vuukle comment

ANIMAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with