^

Punto Mo

Totoong bungo ng tao, natagpuan sa holiday decor section ng isang tindahan sa U.S.!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bungo na binebenta bilang Haloween decoration sa isang antique store ang natuklasang totoong bungo ng yumaong tao! Noong Nobyembre 4, rumesponde sa isang antique store ang mga pulisan ng Lee County, North Forth Myers, Florida matapos makatanggap ng tawag na may bungo ng tao na binebenta roon. Ang tawag ay nagmula kay Michelle Calhoun. Nagwi-window shopping si Calhoun sa Antique Mall nang mapansin ang bungo sa Halloween decor section.

Ayon sa manager ng Antique Mall na si Beth Meyer, ang bungo kasama ng iba pang mga gamit ay nagmula sa abandoned storage locker na nabili nila sa isang subasta. Inakala nilang props sa movie ang bungo kaya ibinebenta nila ito ng $400.

Humingi ng pahintulot ang mga pulis kay Meyer na hiramin muna ang bungo para suriin ng mga Lee County Sheriff’s Office Major Crimes Unit. Matapos ang pagsusuri, nakumpirma na totoo ang bungo at sa isang native American. Napag-alaman din na ang bungo ay hindi namatay sa krimen. Sa kasalukuyan, ibinalik na ang bungo kay Meyer, ngunit pinakiusapan ito ng mga awtoridad na huwag na itong isama sa imbentaryo ng antique shop dahil ipinagbabawal sa Florida ang pagbebenta ng kahit anong human remains.

vuukle comment

HALOWEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with