^

PSN Palaro

PSC Invitational Golf Cup para sa mga Paris-bound athletes

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PSC Invitational Golf Cup para sa mga Paris-bound athletes
Ang maiipong pondo mula sa PSC Invitational Golf Cup ay gagamitin para sa kampanya ng mga atleta sa 2024 Paris Olympics at Paralympic Games.

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Philippine Sports Commission (PSC) na makakakuha sila ng humigit-kumulang sa P2.5 milyon sa idaraos na special golf tournament sa Hunyo 14 sa Canlubang Golf and Country Club.

Ang maiipong pondo mula sa PSC Invitational Golf Cup ay gagamitin para sa kampanya ng mga atleta sa 2024 Paris Olympics at Paralympic Games.

“Ang cash na mari-raise natin diyan is between P2 million to P2.5 million. I’m not sure about the exact amount until it comes out. But iyon ang nasabi ni (PSC) chairman (Richard Bachmann) ganoon na iyong nare-raise niya in terms of cash,” ani PSC Commissioner Fritz Gaston kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa confe­rence hall ng Rizal Memorial Sports Complex.

Umabot na sa 15 ang atletang tatarget ng gold medal sa Paris Olympics sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11.

Ang mga ito ay sina pole vaulter EJ Obiena, boxers Eumir Marcial, Carlo Paalam, Aira Villegas, Nesthy Petecio at Hergie Bacyadan, gymnasts Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Levi Jung-Ruivivar at Emma Malabuyo, weightlifters John Ceniza, Elreen Ann Ando at Vanessa Sarno, rower Joanie Delgaco at fencer Sam Catantan.

“Kasi ang nangyayari ang lahat ng Olympians nabibigyan lang ng financial support kapag nananalo. And sabi ni chairman, kawawa naman iyong iba on how they prepare as they go to the Olympics,” ani Gaston sa sesyon na inihandog ng San Miguel Corporation, PSC, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO at lea­ding sports entertainment gateway sa bansa na ArenaPlus.

Ang mga sasalang sa Paralympics sa Agosto 28 hanggang Setyembre 8 ay sina swimmers Ernie Gawilan at Angel Otom, taekwondo jin Allain Keanue Ganapin at archer Agustina Bantiloc.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
4 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with