^

PSN Palaro

Abando hinugot ng SGA para sa Jones Cup

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Abando hinugot ng SGA para sa Jones Cup
Rhenz Abando.
FIBA

MANILA, Philippines — Sasabak si Rhenz Abando kasama ang Strong Group Athletics sa 43rd William Jones Cup na idaraos sa Hulyo 13 hanggang 21 sa Taipei, Taiwan.

Pormal nang inihayag ng SGA management ang pagpasok ni Abando sa tropa para sa Jones Cup.

Kasalukuyang free agent si Abando dahil tapos na ang kontrata nito sa Korean Basketball League club Anyang Jung Kwan Jang.

Kasama si Abando nang magkampeon ang Anyang sa KBL noong 2022-23 season.

Excited na si Abando na maglaro para sa SGA dahil makakasama nito ang mga matitikas at beteranong players.

“More on excited ako makapaglaro for Strong Group kasi nung nasa Korea ako, pinapanood ko yung games nila sa Dubai,” ani Abando.

Nagtala si Abando ng averages na 9.9 points, 4.3 rebounds at 1.1 assists sa huling season nito sa KBL.

“Talagang napasaya nila ang mga fans dun. Sana mapasaya din namin ang mga kababayan natin sa Taiwan ngayong Jones Cup,” ani Abando.

Masaya si SGA head coach Charles Tiu na mahahawakan nito si Abando na may malalim na karanasan at talento sapul pa noong naglalaro ito sa NCAA.

 Naniniwala si Tiu na malaki ang maitutulong ni Abando sa SGA.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
5 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with