^

Punto Mo

‘Nail Cutter’ (Last part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI lamang ang pagputol ko sa dahon ng saging gamit ang nail cutter ang nagawa ko kundi marami pang iba. Nagamit ko rin ang nail cutter nang minsang maipit ang sapatos ng aking kaklase sa butas ng sahig na kawayan ng bahay na aming pinuntahan. Ang nail cutter ang ginamit ko para mahiwa ang bahagi ng sapatos para magkasya ito sa butas.

Pero ang hindi ko malilimutang karanasan na sangkot ang nail cutter ay nangyari noong ako ay nag-aaral na sa kolehiyo sa Maynila.

Nakatira kami sa Legarda at mula roon ay lalakarin ko ang unibersidad sa Morayta. Kahit gabing-gabi na ay naglalakad ako para makatipid sa pamasahe. Sayang din ang 30 sentimos noon na pamasahe sa dyipni.

Kapag umaalis ako ng bahay ay laging nasa bag ko ang nail cutter na stainless. Bago ang nail cutter na regalo ng pinsan ko. Malaki ang nail cutter. Alam kasi niya na mahilig ako sa nail cutter.

Pauwi na ako noon at naglalakad sa Recto ­Avenue. Nang biglang may umakbay sa akin. Holdap! Ibigay ko raw ang wallet.

Hindi ako nasiraan ng loob. Dinukot ko sa bag ang nail cutter. Inilabas ko at ipinakita sa holdaper. Sa aking pagtataka, biglang natakot ang holdaper at lumayo sa akin.

Hula ko, akala niya ay patalim ang nail cutter kaya natakot ito.

Hindi ko malilimutan ang ­karanasang iyon.

vuukle comment

NAIL CUTTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with