^

Punto Mo

Puro pulis, sangkot sa krimen, anyare?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH report: Nagulo ang buhay ni Dipuga noong Friday dahil sa blind item tungkol sa RD ng PNP na nahuling nakapatong…este nakakandong sa kanya ang kanyang aide na police major. Mula after lunch hanggang gabi walang patid ang kiriring ng aking cell phone.

Siyempre, karamihan sa mga tumatawag ay mga pulis na mahilig mag-Marites kung sino si RD. Well, si RD ay stay-put pa sa kanyang puwesto samantalang si tsinitang police major ay nakalipat na sa Camp Crame. Dala pala ni RD ang kanyang major na aide galing sa isang support unit ng PNP. At higit sa lahat magkasama sila sa quarters kaya baka nagkadebelopan. Mismooo!

-oooooo-

Maraming programa si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil para ayusin at iangat ang imahe ng PNP kaya lang may mga pulis talaga na matitigas ang ulo. Ang tinutukoy ko mga kosa ay ang sunud-sunod na krimen na kinasasangkutan ng mga pulis. Kaya dapa na naman ang imahe ng PNP at sana makakabawi pa ang liderato ni Marbil.

Nitong nagdaang mga araw, may mga pulis na nadakip dahil sa kasong kidnapping, carnapping at gunrunning dito sa kaharian ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez. Maliban pa ‘yan sa ibang lugar tulad sa Quezon kung saan maling bahay ang pinasok ng mga pulis, at sa Bulacan na inireklamo ng sexual abuse. Ang kainaman lang, naaresto sila, kaya lang ang iniwan nilang yapak ay tumama sa PNP organization. Get’s n’yo mga kosa? Kaya tama lang ang desisyon ni Marbil na kasuhan at idismis sila. Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang tanong lang ng mga kosa kong sibilyan, bakit pumapasok pa ang mga pulis sa krimen eh sobrang taas na ang suweldo nila? Gaya nitong si Maj. Christel Villanueva, na sangkot sa kidnapping kasama ang tatlo pang pulis, na halos P65,000 na ang suweldo. Idagdag pa natin si Lt. Col. Gideo Ines Jr., ang deputy chief for administration ng Mandaluyong City police, na aabot sa P80,000 ang take home pay. Itinapon nina Villanueva at Ines ang suweldo nila, pati na ang milyones na makukuha nila sa pagretiro nila, kapalit ng kapiranggot na pitsa. Dipugaaaaa!

Ang ransom na nakuha kasi ng tropa ni Villanueva ay P2.5 milyon, samantalang kay Ines naman ay P300,000 ang ibinentang kotse na nirentahan nila. Araguyyyyy! Malayo sa retirement pay nila, ‘no mga kosa? So sa ngayon, ang pagdurusa ay ang pamilya nila. Mismooooo!

Sa unang siyam na buwan ni Nartatez sa NCRPO, takot masangkot sa krimen ang mga pulis sa Metro Manila dahil lagot sila kapag naging CPNP ito. Anyare? Ang ibang kosa ko ang ibinigay na dahilan ay baka walang makuhanang extrang kita ang mga pulis dahil sarado ang tabakuhan sa ilalim ng “no take policy” ni Nartatez. Puwede, di ba mga kosa?

Subalit sa ni-raid na Queen’s and King nightclub sa Pasay City may nakitang voucher na nakalagay ay P5,000 para sa NCRPO. Tsk tsk tsk! May take din ang NCRPO sa club? Ano ba ‘yan? Kung sabagay may ibang operating units din ng PNP na nasa voucher ay iniimbestigahan na ito ng DILG. Ang sakit sa bangs nito!

Ang catch lang dito sa kaso ng Pasay nightclub, mukhang nakalimutan ng mga DILG raiders na pulis din sila at hindi lang sina Marbil at Nartatez ang ipinahiya nila. Paano kung wala na ang amo nila? Sa kangkungan sila dadamputin tiyak! Abangan!

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with