^

Punto Mo

EDITORYAL - Public officials, maging halimbawa sa pagbabago

Pang-masa
EDITORYAL - Public officials, maging halimbawa sa pagbabago

PAGBABAGO ang tema ng Bagong Pilipinas hymn na ngayon ay iniutos na isama sa flag ceremonies kabilang ang Panata sa Bagong Pilipinas. Isang Memo­randum Circular No. 52 ang inilabas na nag-aatas sa mga ahensiya ng gobyerno na isama ang mga ito sa lingguhang flag ceremonies. Kabilang sa mga ina­atasan ay ang government-owned and controlled corporations (GOCCs), educational institutions gaya ng state universities and colleges at hinihikayat din ang local government units (LGUs) na bigkasin ito sa tuwing flag ceremonies. Layunin nito na maisapuso ang prinsipyo ng “Bagong Pilipinas brand of governance and leadership” sa mga Pilipino.

Noong Lunes, sinimulan nang awitin at bigkasin ang Bagong Pilipinas hymn at Panata sa Bagong Pilipinas sa mga tanggapan ng pamahalaan. Sinabi ng Malacañang na dapat ay tiyaking maipapalaganap nang maayos ang awit at pangako ng Bagong Pilipinas. Mahigpit ding inatasan ang Presidential Communications Office (PCO) na magsagawa ng mga hakbang para maipala­ganap ang hymn at panata sa lahat ng ahensiya ng gob­yerno at publiko.

Mula nang ilunsad ang Bagong Pilipinas hymn, marami ang nagsabi na ito ay walang ipinagkaiba sa Bagong Lipunan hymn na laging pinatutugtog noong panahon ni dating diktador President Ferdinand Marcos Sr. para i-promote ang mga pagbabago makaraang ideklara ang martial law noong Setyembre 1972. Laging pinatutugtog sa mga himpilan ng radyo oras-oras ang Bagong Lipunan hymn at inaawit din ng mga bata sa paaralan.

Malaking katanungan ngayon kung mamememorya­ ba ang Bagong Pilipinas hymn na mas mahaba pa sa Lupang Hinirang. Katanungan din kung buong puso ba itong matatanggap nang marami. Hindi kaya masyado nang maraming isinasaulo ang mga estudyante at tama na ang Lupang Hinirang at Panatang Makabayan?

Pagbabago ang tema ng Bagong Pilipinas hymn. Hinihikayat na magkaisa sa pagbabago para sa Bagong Pili­pinas. Mas karapat-dapat kung ang mga opisyal ng gob­yerno ang magpapakita ng halimbawa sa mamamayan. Umpisahan ng mga namumuno ang pagpapakita ng pag­babago para umunlad ang bansa. Ipakita sa gawa at hindi sa salita.

vuukle comment

BAGONG PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with