^

Punto Mo

Pinakamataas na bisikleta sa buong mundo, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DALAWANG magkaibigan sa France ang nakapagtala ng world record matapos silang makabuo ng pinakamataas na bisikleta sa buong mundo!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na sina Nicolas Barrioz at David Peyrou ang pinakabagong record holder ng titulong “Tallest Rideable Bicycle” matapos silang makagawa ng bisikleta na may taas na 25 feet and 5 inches. Maikukumpara ang taas ng bisikleta sa isang adult giraffe o sa isang bahay na may second floor.

Ayon sa magkaibigang Barrioz at Peyrou, naisipan lang nilang gumawa ng pinakamataas na bisikleta habang sila ay nag-iinuman sa isang pub. Simula noon ay sineryoso na nila ang pagdidisenyo at pag-source ng mga parts nito.

Inabot ng dalawang taon bago mabuo ng dalawa ang bisikleta. Ayon kay Barrioz, malaki ang naitulong ng paggawa niya ng bisikleta sa kanyang self confidence. Dati ay mahiyain at wala siyang tiwala sa kanyang mga naiisip na ideya. Ngayon ay naniniwala na siya sa kanyang sarili at alam niyang marami pa siyang maaaring gawin at mabuong mga bagay.

 

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with