^

Punto Mo

PBBM, binalaan sa pagpili ng susunod na PNP chief?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

ILANG araw na lamang bago ang kanyang retirement sa susunod na Linggo, nagbigay na ng kanyang pahayag si PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng ilang mataas na opisyal ng command at mga tauhan nito na may kinalaman sa 990 kilos ng shabu na nasamsam kay P/MSgt. Rodolfo Mayo.

Malaking ingay ang nilikha ng drug ops na ito, na imbes na malaking accomplishment sa PNP at nabahiran ng kontrobersiya.

Lalo pa nga at biglaang nagpahayag si Secretary Benhur Abalos, na may naganap na cover-up sa drug ops na ito kasabay sa pagtukoy sa ilang matataas na opisyal at mga tauhan ng PDEG (Police Drug Enforcement Group) ang dawit dito.

Lalong nabulabog ang PNP, dahil dito.

Sabi ni Abalos, may naganap na ‘cover-up’, ayon naman kay Azurin walang ‘cover-up’.

Posible rin umanong nabibigyan ng ‘maling impormasyon’ ang DILG secretary.

Malalim din ang naging pahayag ng PNP chief na nakausap na niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tungkol sa kontrobersiya at sa ginawa at ginagawang imbestigasyon nang binuong  SITG.

Naniniwala si Azurin na ginagawa umano ng sindikato sa droga ang mga paraan para guluhin ang isinasagawang imbestigasyon ng SITG.

Malaking palaisipan din ang naging babala nito sa Pangulo na pinag-iingat sa pagpili ng susunod na PNP chief.

Binanggit pa ni Azurin na dapat ang ipalit sa kanya ay mas mahigpit.

Nauna nang lumutang na may mga hindi pinagkakasunduan sina Azurin at Abalos na dahil nga rito eh nalalagay dito sa balag ng alanganin ang command.

May inirekomendang next PNP chief si Abalos, nakatakda rin namang magbigay ng kanyang rekomendasyon si Azurin.

Sa huli, ang Pangulo pa rin ang siyang may ‘say’ dito kung sino ang kanyang hihirangin.

Ang inaabangan ng mga ‘Maritess’ ay kung ang mapipili ba eh ang nirekomenda ni Abalos o yung kay Azurin o pwede namang may ibang napupusuan ang Pangulo.

Yan ang inabangan ng marami!

vuukle comment

RODOLFO AZURIN JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with