^

Punto Mo

Pista kung saan niluluksuhan ang mga sanggol, ginaganap sa Spain!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TUWING Hunyo 19, ipinagdiriwang sa bayan ng Castrillo de Murcia sa Spain ang El Salto del Colacho o mas kilala sa tawag na “Baby Jumping Festival”.

Magsisimula ang pista sa maikling dula-dulaan kung saan kunwari’y maghahasik ng kaguluhan ang gumaganap na El Colacho gamit ang kanyang latigo at castanets sa mga kalsada.

Ang El Colacho ang sumisimbolo sa demonyo. At upang matalo ang “demonyo”, may isang grupo ng mga kalalakihan ang gaganap naman bilang mga Atabalero na silang hahabol at magpapalayas kay El Colacho.

Matatapos ang dula sa habulan kung saan lulukso ang El Colacho sa mga sanggol na nakahiga sa kutson.

May paniwala sa bayan ng Catrillo de Murcia na ang mga sanggol na niluksuhan ni El Colacho ay mabibigyan ng proteksyon at maiiwas sa kamalasan.

Ayon pa sa matatanda, naniniwala sila na maililipat kay El Colacho ang anumang masamang espiritu o maligno na gumagambala sa sanggol.

Nagsimula ang tradisyong ito noong taong 1620 at kahit kailan, wala pang naiulat na nasaktan o naaksidenteng sanggol.

Ang pista at dula ay inorganisa ng samahang Catholic Brotherhood of Sacred Sacrament of Minerva. Ang mga miyembro ng samahang ito ang gumaganap din bilang El Colacho at mga Atabalero.

vuukle comment

SANGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with