^

Punto Mo

Pusa sa U.S.A., nakatanggap ng diploma mula sa university!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG unibersidad sa Vermont, USA ang nagbigay ng hono­rary degree sa isang pusa na madalas makita sa kanilang campus!

Inanunsiyo kamakailan ng Vermont State University Castleton campus na kabilang sa Class of 2024 ang tabby cat na si Max Dow sa kanilang graduating students. Si Max ang kauna-unahan nilang honorary student na makakatanggap ng “Doctor of Litter-ature” degree.

Madalas magpagala-gala si Max sa campus ng VSU Castleton­ dahil nakatira sila ng kanyang amo na si Ashley Dow sa Seminary Street, ang kalye kung nasaan ang main entrance ng university.

Ayon kay Ashley, noong kuting pa lang si Max ay biglang nawala ito sa kanilang bahay. Natuklasan niya na pumunta pala ito sa campus at nakikipaglaro sa mga estudyante na nasa kanilang breaktime. Bukod sa mga estudyante, kinakatuwaan din siya ng dean at nakaabot na ito sa dean’s office para doon maglaro.

Dahil sa angking kakyutan, naging “celebrity” na si Max sa VSU at madalas na siyang hanapin ng mga estud­yante roon. Kapag hindi ito nakakapunta sa campus, kinakumusta si Ashley ng mga estudyante kung bakit hindi “pumasok” sa school si Max at kung okay ba ito.

Sa ilang taon na pagala-gala ni Max sa campus, itinuturing na siya ng VSU bilang isang pamilya. Kaya nagpasya ang Board of Trustees ng unibersidad na isali ito sa Class of 2024 at bigyan ito ng honorary degree.

Hindi makapaniwala si Ashley sa natanggap na parangal sa kanyang pusa at masaya siya na nakakapagpasaya si Max ng mga estudyante na stressed sa kanilang pag-aaral.

Si Max ang kauna-unahang honorary student na nakatanggap ng “Doctor of Litter-ature” degree.

vuukle comment

PUSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with