^

Punto Mo

EDITORYAL - May solusyon na ba sa baha?

Pang-masa
EDITORYAL - May solusyon na ba sa baha?

UMUULAN na sa tuwing hapon at sa gabi. Sabi ng PAGASA, hindi pa wet season at ang mga nara­ranasang pag-ulan ay dulot ng shearline at easterlies­. Nananatili pa rin umano ang El Niño. Ayon sa PAGASA, maaaring maranasan ang pag-ulan sa Hunyo o Hulyo.

Hindi pa tag-ulan pero ang nararanasang pag-ulan ay nagdudulot na agad ng pagbaha sa mabababang lugar sa Metro Manila. Kaunting ulan lang pero hanggang tuhod agad ang baha sa Taft at España sa Maynila; Araneta Avenue sa Quezon City at sa Buendia-Taft sa Pasay City.

Paano pa kung tag-ulan na nga at walang patlang ang buhos ng ulan? Tiyak, problemado na naman ang mga taga-Metro Manila sa perwisyong baha. Papasukin na naman ng tubig ang kanilang mga bahay­ at malulubog ang mga appliances.

Noong panahon ni President Noynoy Aquino, gumastos nang malaki sa flood control project kung saan hinukay ang mga kalsada sa Maynila at bahagi ng Quezon para masolusyunan ang baha. Ang tubig baha na galing QC ay bumabagsak sa Maynila kaya nilagyan ng mga tubo. Pero sa kabila ng proyekto, patuloy pa rin ang baha.

Itinurong dahilan ng baha sa MM ay ang mga plastic na nakabara sa daanan ng tubig. Maraming­ single­- use plastics ang tinatapon sa mga estero at sapa. Ang mga basurang ito ay hindi natutunaw sa loob nang maraming taon. Habang tumatagal, parami nang pa­rami ang mga nakabara dahil dumami rin ang mga taong walang disiplina sa pagtatapon ng basura.

Kabilang sa mga basurang plastic ang sachets ng shampoo, 3-in-1 coffee, catsup, toothpaste at iba pa. Dahil hindi nabubulok, malaking problema sa tuwing may malakas na pag-ulan at baha.

Ang problema sa plastic na basura ay inamin na­man ni DENR Secretary Maria­ Antonia Yulo-Loy­zaga.­ Ayon kay Loyzaga, 61,000 metrikong tonelada ng plastic­ na basura ang itinatapon araw-araw at 24 percent­ sa mga basurang ito ay single-use plastic. Sabi pa ng Kalihim, lalangoy sa plastic ang Metro Manila kapag hindi nasawata ang paggamit nito.

Isang paraan para malutas ang problema sa plastic­ waste ay ang pagpapalalakas sa mga ordinansa ng local government units (LGUs) na nagbabawal sa pagta­tapon ng basura sa mga estero at iba pang daanan ng tubig. Bigatan ang parusa sa mga mahuhuling mag­tatapon. Kung hindi maghihigpit, lulubha pa ang proble­mang baha sa MM.

Kung hindi uubra ang ordinansa, taasan ang ipinapataw na tax sa mga nagpo-produce ng single-use plastic. Subukan ang paraan na ito at baka malutas ang problema.

vuukle comment

BAHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with