^

Punto Mo

Sisihin ang ­Immigration sa ­pagdami ng illegal Chinese

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MARAMING Chinese nationals sa bansa ayon sa Bureau of Immigration (BI). Sa pinakahuling tala, may 49,556 Chinese sa bansa mula Enero 1, 2024 hanggang Marso 1, 2024. Ito yung mga legal na nakapasok at kumpleto sa papeles. Hindi naman sinabi kung gaano karami ang mga illegal na nakapasok.

Sinasabing ang mga Chinese na nagtatrabaho sa mga ­Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs) ay ­illegal ang pagpasok. Halimbawa ay ang 800 Chinese na na-rescue sa dalawang POGO hub sa Bamban, Tarlac noong Marso. Ang dalawang illegal POGOs ay natuklasang incorporator ang kontrobersiyal na Bamban Mayor Alice Guo.

Bago ang pagsalakay sa Bamban, marami na ring sinalakay na POGO hub sa Pampanga at maraming Chinese ang na-rescue. Bukod sa Chinese, may 7 mga na-rescue ring Vietamese at Thais.

Ang nakapagtataka ay kung paano nakapasok sa bansa ang maraming Chinese. Parang walang kahirap-hirap ang pagpasok. Dumagsa sila mula nang magtayo ng POGO sa bansa. Nag-operate ang POGO sa Pilipinas noong 2017.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maghihigpit na sila sa pagbibigay ng tourist visa sa Chinese nationals. Ayon kay DFA Undersecretary Gary Domingo, ang paghihigpit ay dahil sa mga report na may mga passport at visas na illegal na naisyu. Dahil sa gawaing ito, maraming Chinese nationals ang labas-masok sa bansa. Marami rin umano ang overstay na Chinese.

Tanong lang, bakit kaya ngayon lang naisip ng DFA na maghigpit gayung ilang taon nang dumadagsa sa bansa ang mga Chinese. Hinintay pang dumami at ngayon ay banta pa sa seguridad ng bansa.

At kung naghihigpit ang DFA, dapat din namang maghigpit ang Bureau of Immigration sa pagpasok ng Chinese. Walang silbi ang paghihigpit ng DFA kung maraming corrupt sa Immigration ang patuloy na natatapalan ng pera para makapasok nang walang sagabal ang mga Chinese.

Ang katiwalian ng mga opisyal at empleado ng Immigration ay nagpapaalala sa “pastillas scam” na binulgar ni Sen. Risa Hontiveros noong 2021. Dahil sa “pastillas” dumagsa ang Chinese. At magpapatuloy ang pagdagsa hangga’t may mga tiwali sa Immigration.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with