^

Punto Mo

EDITORYAL - Masusing ­imbestigasyon kay Alice Guo, nararapat

Pang-masa
EDITORYAL - Masusing ­imbestigasyon kay Alice Guo, nararapat

KUNG hindi sa ginawang raid ng Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Baufo Compound sa Bamban, Tarlac noong Marso kung saan nag-ooperate ang Hong Sheng Gaming Technology Incorporated at Zun Yuan Technology Incorporated, mga illegal POGOs, hindi matutuklasan ang kaugnayan dito ng kontrobersiyal na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Nabatid na ang may-ari ng compound ay si Guo at incorporators siya ng dalawang POGOs.

Nang imbitahan si Guo ng Senado at tanungin, nagsasalita naman siya ng Tagalog. Pero wala siyang maipresentang birth certificate dahil sa bahay lang daw siya ipinanganak at nagpa-late registration. Labimpitong taon daw siya nang magparehistro. Ipinanganak daw siya noong Hulyo 12, 1986. Wala rin siyang school records dahil sa bahay lang daw siya nag-aral. Hindi rin siya nakapag-kolehiyo.

Hindi rin niya masabi kung ang identity ng kanyang ina at tanging ang ama lamang na si Jian Zhong Guo ang kanyang kasama. Ang kanyang ama raw may babuyan sa Bamban.

Sa pagtatanong ng Senado kung paano niya napondohan ang kanyang kandidatura, tinulungan daw siya ng mga kaibigan at pati na ang nakaraang Duterte administration. Ayon sa kanya, gumastos lamang siya ng P134,000 sa kanyag kandidatura. Siya ang kauna-unahang babaing mayor ng Bamban at tumakbong independent.

Sinabi naman ng mga taga-Bamban mismo na bigla na lamang lumutang ang pangalan ni Guo noong 2022 elections. Wala raw nakakakilala rito. May mga nagsabi naman na matagal na nilang nakikita si Guo sa lugar. May nagsabing mabait daw ito at matulungin.

Kumikilos na ang Office of the Solicitor General sa pagkatao ni Guo. Nangangalap na sila ng inpormasyon kay Guo at kung totoo bang ito ay ipinanganak sa Pilipinas at kung paano nakapasok sa pulitika at walang kahirap-hirap na nanalo.

Inaalam na rin kung paano nagkaroon ng kayamanan si Guo sa loob ng 37 taon na kinabibilangan ng helicopter, mamahaling sasakyan at mga shares sa 11 kompanya.

Kumikilos na rin ang Commission on Elections at ­inaalam kung may iregularidad sa pagsusumite ng certificate of candidacy ni Guo. Ayon naman sa Comelec, wala silang natatanggap na electoral protests laban kay Guo.

Bukas ay haharap muli si Guo sa Senado. Nararapat pang paigtingin ang pag-iimbestiga kay Guo. Lahat nang kaliit-liitang impormasyon sa kanya ay dapat himayin. Ngayong marubdob ang hangarin ng China na maangkin ang Pilipinas, nakapagdududa ang pagkatao ni Guo kaya dapat siyang siyasatin nang todo.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with