^

Punto Mo

2 SAF troopers nagsuntukan, bagsak sa kulungan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAGSUNTUKAN ang dalawang SAF troopers na nagse-security sa POGO personality sa Muntinlupa City at sa kasamaang palad, sa kulungan sila bumagsak. Ni-relieve na sa kanilang­ assign­ments sina Cpl. George Rojo Mabuti at Pat. Roger Valdez at nahaharap pa sila sa katakut-takot na kaso.

Hindi lang ‘yan, maging ang battalion commander nila ay inabot din ng kamalasan dahil iniutos ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na sampahan ito ng kasong admi­nistratibo. Araguyyy!

“Bakit pinapayagan itong ganitong nangyayari sa SAF. We are not happy kapag nasasangkot yung pulis. Sabi ko nga doon sa PNP natin everytime may nangyayari sa pulis hindi lang yung isang tao ang nasasaktan, the whole organization,” ani Marbil. “Kahit na gaano kahirap kagaya nang gaano kahirap nung pini-present namin, pagka-nadungisan kami nasisira ang buong organization­,” dagdag pa ni Marbil. Mismooo! Hehehe!

Kumita man ng ekstrang P40,000 kada isa ang dalawang SAF troopers, hindi sulit dahil pinahiya nila, hindi lang ang PNP, kundi maging ang kanilang pamilya. Dipugaaa!

Lumabas sa imbestigasyon ni Col. Robert Domingo, Muntinlupa police chief, na magkasama sina Mabuti at Valdez sa bahay ng POGO operator sa Ayala Alabang. Dinapuan ng antok si Valdez ng mga bandang 3:15 p.m. noong Mayo 18. Ayon kay Domingo, sinabihan ni Valdez si Mabuti na tumigil na sa kaiingay dahil hindi siya makatulog. Subalit hindi pinansin ni Mabuti si Valdez. Napikon si Valdez at sinuntok si Mabuti sa ulo. Naghabulan pa sila na parang sa action movie. Ang duguang si Mabuti ay pumasok sa kalapit bahay na nagresulta ng iskandalo.

Nagresponde ang mga operatiba ng Ayala-Alabang Sub-Station 5 at inaresto sina Mabuti at Valdez. Ayon kay Domingo, negatibo naman sa drug test at alcohol intoxication ang dalawang SAF troopers. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

“As much as possible, we present the best, pero pagka may mga ganito na dumudungis sa atin ang naiisip ng mga tao yung pagkakamali,” giit ni Marbil. “But remember, hindi talaga tama ito but hindi namin pinapayagan. Pagkatapos nito we wil make sure na makikita niyo na meron masususpinding mga battalion commander at meron talagang matatanggal sa serbisyo na mga pulis na involved dito especially dito sa SAF. Hindi namin itatago yan,” ang sabi pa ni PNP chief. Dipugaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon naman kay NCPRO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez, ang dalawang SAF troopers na naka-assign sa Mindanao, ay security ng Chinese national na POGO operator. Base sa imbestigasyon, si Mabuti ay nakadestino sa 52nd Special Action Company Zamboanga, samantalang si Valdez naman ay sa 55th Special Action Company sa Zamboanga rin. Tsk tsk tsk! Tiyak kakilala ng battalion commander ang POGO operator. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Ano pa nga ba?

Maliban sa alarm and scandal na isinampa ng Muntinlupa City police sa korte laban sa dalawang SAF troopers, papatawan din sila ng administrative case na neglect of duty, misconduct for moonlighting at unauthorized provision of VIP security. Araguyyy! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang yan. Get’s n’yo mga kosa?

Umaksiyon naman kaagad si SAF director Brig. Gen. Mark Pespes at sinibak ang lahat ng opisyal na may saklaw sa dalawang SAF troopers. Nangako si Pespes na hindi niya papayagan ang kanyang mga tauhan na masangkot sa mga iregularidad. Abangan!

vuukle comment

SAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with