^

Punto Mo

Life hacks(Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Gusto mong magbawas ng timbang? Huwag kakain 4 na oras bago ka matulog. Kung magkakape sa umaga, coconut sugar ang ipang-tamis at huwag haluan ng kahit ano, lalo na ng coffee creamer. Ito ang malakas magpabigat ng timbang at magpataas ng blood sugar.

2. Kapag may kausap kang customer service representative sa telepono, at sa isang pagkakataon ay inilagay ka niya sa “on hold”, maririnig niya ang iyong boses kapag may ibang tao kang kinausap sa iyong tabi. Kaya manahimik ka muna habang hinihintay mong balikan ka niya.

3. Inaantok ka pero hindi dapat dahil nasa gitna ka ng lecture o office meeting: Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t kaya mo. Tapos pakawalan mo ito nang dahan-dahan. Nakakagising ito ng iyong utak.

4. Pisilin nang madiin sa loob ng 30 seconds ang laman sa pagitan ng hintuturo at hinlalaki ng kamay, na hoku spot ang tawag sa Chinese medicine. Nakakabawas ito ng stress at tension sa upper body.

5. Kapag kinakausap mo ang isang matandang mahina ang pandinig, huwag ilakas ang boses, sa halip, gawin mong malalim ang iyong boses, parang sinaunang broadcaster sa radio na mino-modulate ang boses. Mas maririnig niya iyon kaysa sumigaw ka. Kapag humihina ang pandinig ng isang tao, high tone frequency ang unang nawawala, kaya walang kuwenta ang pagsigaw mo.

6. Kung aksidente mong naipadala ang text message sa maling tao, agad ilagay sa airplane mode ang cell phone. Kung napigilan mo ang pagpapadala, agad i-delete ang message. Pero kung nai-send mo pa rin, mag-sorry ka na lang.

(May kasunod pa…)

vuukle comment

BLOOD SUGAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with