^

Punto Mo

Kailangan bang pumunta sa barangay para sa pirmahan ng bentahan ng lupa?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Gusto po ng seller ng lupang balak kong bilhin na doon sa barangay hall sa kanila kami magpirmahan ng deed of sale. Ito’y para raw siguradong may bisa ang deed of sale.

Totoo po ba na kailangan sa harap ng barangay ang pirmahan ng bentahan ng lupa? Malayo po kasi ang lugar nila kaya nakakahinayang kung dadayo pa ako roon. —Rene

Dear Rene,

Hindi naman kailangang sa harap ng barangay magpirmahan ng deed of sale upang magkaroon ng bisa ito. Gusto lang sigurong mapanatag ng kausap mo kaya gusto niyang sa harap ng mga opisyal ng barangay nila maganap ang pirmahan ngunit hindi ito makakaapekto sa pagiging valid o pagkakaroon ng bisa ng isang kontratang katulad ng bentahan ng lupa.

Magkakaroon ng bisa ang kontrata sa pagitan niyong dalawa basta’t malaya kayong dalawa na pumasok sa inyong kasunduan, malinaw sa inyong dalawa ang inyong mga napagkasunduan, at nakasaad ang mga ito sa deed of sale na inyong pinirmahan.

Ang maipapayo ko, sa halip na sa barangay ay sabihan mo ang kausap mo na sa notaryo na lang kayo humarap at magpirmahan dahil kakailanganin n’yo rin namang ipa-notaryo ang deed of sale.

Bagama’t hindi makaaapekto sa bisa ng deed of sale ang hindi pagpapanotaryo, mahalaga pa rin ito dahil malinaw sa Section 112 ng P.D. 1529 o Property Registration Decree na kailangang notaryado ang deed of sale upang mailipat sa seller ang pangalang nakalagay sa titulo.

vuukle comment

PROPERTIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with