^

Punto Mo

EDITORYAL - Mag-resign na lang kung nai-stress

Pang-masa
EDITORYAL - Mag-resign na lang kung nai-stress

KAHAPON, nagpainterbyu si ACTS OFW Party-list Representative Aniceto Bertiz sa Umagang Kay Ganda program sa Channel 2 at humingi ng sorry sa ipinakita niyang pagka-arogante sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 noong Sabado makaraang hindi mag-alis ng sapatos para sa security checkup. Nag-sorry siya sa security personnel na pinagduldulan niya ng ID na nagpapakilalang siya ay kongresista.

Bago ang pagpapainterbyu niya sa TV marami nang ginawang pagso-sorry at pagpapaliwanag ang kongresista sa ginawa niyang kaarogantehan. Mas mahaba pa ang ginawa niyang pagpapaliwanag sa taumbayan na hindi sana nangyari kung sumunod siya sa batas na kailangang mag-alis ng sapatos bilang bahagi ng security measures. Kung hinubad niya ang sapatos baka wala pang isang minuto at tapos na iyon at wala na siyang ipapaliwanag pa. Ngayon, mahabang paliwanag ang ginagawa niya at marami ang hindi na naniniwala sa kanya.

Sabi ni Bertiz, tao lamang daw siya at nagi-ging sensitibo at umiinit ang ulo dahil sa stress sa trabaho. Sabi pa niya, sa loob daw ng tatlong taon niya bilang miyembro ng Kongreso, minsan isang taon daw ay nagkakaroon siya ng monthly period o regla. Iyon daw ang dahilan kaya siya irritable.

Pero bago pa ang dahilan na iyon, sinabi niya na kaya raw siya nagalit ay dahil mayroon siyang nakitang Chinese na ineskortan at hindi pinag-alis ng sapatos. Bakit hindi raw tsinek nang todo ang Chinese. Sabi pa ni Bertiz nasa unahan daw niya ang Chinese. Pero sabi naman ng NAIA authorities, walang Chinese na ineskortan. Nirebyu na raw nila ang CCTV at wala ang sinasabi ng kongresista na Chinese looking na kalbo pa raw.

Kung nai-stress na si Bertiz dahil sa rami ng kanyang trabaho bilang OFW representative, dapat magbitiw na siya sa puwesto. Hindi katwiran na dahil sa stress ay magiging arogante siya at hindi susunod sa batas sa airport na dapat mag-alis ng sapatos. Kahapon, marami ang humihiling na magbitiw na si Bertiz.

Pero nang tanungin sa TV interbyu kung magbibitiw ang kongresista dahil sa pangyayari, hindi raw. Kung ganun, asahan pa ang mga susunod na kabanata ng kanyang pagkakaroon ng “monthly period”.

Related video:

Related video:

vuukle comment

ANICETO BERTIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with