^

Punto Mo

Ang Sofa

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Last part)

MAGANDA pero murang-mura lamang ang sala set na nabili ni Berna sa tindahan ng ukay-ukay. Inilagay niya ito sa balkonahe. Nang naupo doon ang kanyang bunso, nagkaroon ng pulang mantsa ang likod ng t-shirt. Nakita raw ng anak niya na may parang dugo na tumutulo sa sandalan ng sofa pero hindi niya ito pinaniwalaan.

Tuwing siya ay dumarating sa gabi kung saan maliwanag niyang natatanaw ang balkonahe, may tingin siya na parang may aninong nakahiga sa sofa. Pero kapag naroon na siya ay wala naman tao.

Isang araw na gumising si Berna ng maaga, nakita niyang may pulang bakas ng kamay ang sofa. Nagtataka man ay pinunasan niya ito ng basang basahan. Sa pagtitiyaga ay natanggal din ang mantsa. Ngunit ilang minuto lang siyang pumasok sa bahay para magkape, pagbalik sa balkonahe ay naroon na naman ang pulang bakas ng kamay.

Hindi mapaniwalain sa multo si Berna pero kinabahan siya kaya nagpatulong siya sa asawa na ilabas ng gate ang sala set. Iiling-iling lang ang mister ni Berna at hindi nakatiis na mag-comment.

“Ang hilig kasing bumili ng lumang gamit. Hayan, para kang bumili ng multo. Paano kung nag-paiwan ang multo dito sa bahay natin kahit itinapon mo na ang mga upuang ‘yan?”

Tamang-tama naman at nang araw na iyon ay koleksiyon ng basurang hindi nabubulok ng araw na iyon. Nakita niyang kinuha ng mga basurero ang sala set niya. Hindi nakuntento si Berna at bumalik sa tindahan ng ukay-ukay. Kinausap niya ang may-ari ng tindahan.

“Natatandaan po ba ninyo na ako? Ako ang bumili ng sala set two weeks ago.”

“Bakit nasira kaagad?”

“Hindi ho. Itinapon ko ang buong set dahil may dugong lumalabas sa sofa. Tatanungin ko sana sa inyo kung may alam kayong kuwento tungkol sa upuang iyon.”

“Kilala ko ang nagbenta ng sala set na iyon. Hayaan mo at tatanungin ko siya. Tatawagan kita kapag may nakuha akong impormasyon”

Kinabukasan ay tumawag kay Berna ang may-ari ng ukay-ukay at ito ang kanyang kuwento. Ang mister ng nagbenta ng sala set ay nagpakamatay sa pamamagitan ng paggilit ng sarili niyang leeg habang nakahiga sa sofa na iyon. May malubhang sakit ang mister. Hindi makaya ang sakit na nagpapahirap sa kanya kaya nagpakamatay. Nilinis ng misis ang sofa at saka ibinenta. Naging isang malaking aral kay Berna ang pangyayaring iyon kaya tumigil na siya sa pagbili ng mga second hand na gamit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with