^

Punto Mo

Modus-modus yan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Tinuluyang sampahan  ng kaso ang taxi driver na si Roger Catipay ng kanyang naging pasaherong babae.

Kasong threat at slight physical injuries ang kinakaharap nitong kaso.

Si Catipay ang nag-viral sa social media ang video kung saan hinaharas at galit na galit ito sa  pasaherong si Joanna Garcia dahil sa hindi umano ibinigay ng huli ang napagkasunduang pasahe.

Trauma ang inabot ng kanyang pasahero, na kita naman sa kuha ng cellphone video.

Nag-ugat ito dahil sa umano’y pangongontrata ni Catipay sa kanyang mga pasahero, na hindi na pumayag ang huli kundi ang sinabi sa kanya ni Garcia ay ibaba ang metro.

Pagdating sa pupuntahan, siyempre ang ibabayad niya eh kung ano yung nasa metro, na ito ang ikinagalit ng driver na si Catipay.

Hindi raw sumunod sa usapan si Garcia, na itinatanggi naman ng huli na nakipagkasundo siya sa kontrata.

Alam ba ninyong, may ganitong modus ang  maraming mga pasaway at bastos na taxi driver. Kahit alam nila na hindi pumapayag sa kontrata ang kanilang pasahero, pagdating sa paghahatiran doon na  ihaharas hanggang sa matakot at tuluyang magbayad sa gusto nilang halaga ang kanilang sakay.

May ilan pa,  kunwari nakakalimutang ibaba ang metro, pagbababa na ang sakay sasabihan na lang na bahala na ito,  nakalimutan niya ang metro.

Wala tuloy nagiging basehan ang pasahero kung magkano ang kanyang ibabayad at  kapag nagbigay ng hindi nagustuhan ng pasaway na driver doon siya na ang magpepresyo.

Doon nay an kunwari magagalit at tatakutin ang pasahero hanggang sa magbayad na lang sa gusto nito.

Sa mga ganitong estilo, dapat na maging alerto ang mga pasahero para hindi maloko.

Maging babala na rin ang pangyayari sa mga abusadong driver na hindi sa lahat ng oras ay walang papatol sa inyo.

Maging leksyon na rin ang mga ganitong insidente sa mga operator na dapat na maging mapanuri sa mga kukunin nilang driver . Kilatising mabuti hindi lamang sa kapakanan ng mga magiging pasahero nito kundi pati na rin sa maayos ninyong negosyo.

vuukle comment

ALAM

ANG

CATIPAY

GARCIA

HINDI

JOANNA GARCIA

MGA

NBSP

PASAHERO

ROGER CATIPAY

SI CATIPAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with