^

Punto Mo

Sir Juan (75)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PUWEDENG pasilip uli sa boobsie kahit two seconds lang, Nec,’’ ungot ni Gringo. “Nalimutan ko ang itsura.’’

“Saka na nga lang. Hindi mo lang makikita kundi mahahawakan pa.’’

“Sige na Nec, two seconds lang.’’

Napilitan si Nectar. Bahagyang inilapit ang katawan at tumungo para ipasilip kay Gringo ang boobsie. Halos lumuwa ang mga mata ni Gringo.

“Ayos!’’ sabi ni Gringo makaraang masulyapan ng dalawang segundo ang ma-lulusog na boobsie.

Umayos ng upo si Nectar.

“Kailan mo kukunan si Mahinhin?’’

“Bukas ng gabi. Eksaktong 6:00 ako pupunta.’’

“Siguruhin mong si Mahinhin ang kukunan mo ha?’’

“Oo naman.’’

“Gusto ko kunan mo nang naka-maong pants at shirt si Mahinhin para matiyak na siya nga ang taong target natin. Lagi kasi siyang nakasuot ng hapit na maong at white blouse.’’

Napakamot sa ulo si Gringo.

‘‘Sige, sige. Gagawin ko ang utos mo. Pero yung usapan natin ha?’’

“Oo. Mahahawakan mo si Boobsie at makikita ang nasa likod ng pugad ng The Raven.’’

‘‘Puwede ko bang hawakan o halikan ang nasa likod ng pugad ng The Raven.’’

“Puwede! Basta huwag ka lang papalpak sa pinagagawa ko.’’

“Hindi ako papalpak.’’

“Sige. Gawin mo na agad bukas ng gabi ha?’’

Naghiwalay na sila ni Gringo. Habang papalayo kay Gringo, lihim na nakangiti si Nectar. Akala yata ay papayag ako na mahipuan niya! Hindi pa ako gaga!

KINABUKASAN ng gabi, muling nagtungo si Sir Juan sa KOLEHIYALA. Ang dating crew o waiter na nagsilbi sa kanya noon ang nagsilbi rin ngayon.

“Wala ka pa bang nalalaman kung may dancer dito na nagngangalang Mahinhin?’’

“Wala talaga Sir.’’

“Baka naman itinatago ng KOLEHIYALA?’’

“Hindi ko alam Sir.’’

“Sigurado na kasi ako na hindi si Mahinhin yung nakita kong nag-perform nung huli akong nagtungo rito. May palatandaan kasi ako kay Mahinhin.’’

“Ganun po ba?’’

Hanggang may makita sa kabilang table ang waiter.

“Sir nakikita mo yung lalaki sa kabilang table?’’

“Oo.’’

“’Yan Sir ang lalaking kumuha ng pictures ng babae na sinasabing si Mahinhin.’’

“Ah siya ba?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

GRINGO

MAHINHIN

NEC

OO

PUWEDE

SIGE

SIR JUAN

WALA

YAN SIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with