^

Punto Mo

Sampaguita (164)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

UMALINGAWNGAW ang sunud-sunod na mga putok!

Nagulat si Ram na noon ay nakahawak ang kanang kamay sa alambreng bakod habang ang kalahating katawan ay nakabitin sa alanganin at natutusok ng mga kalawanging tinik.

Nang muli niyang pagmasdan si Levi, nakita niya ang unti-unting pagbagsak ni Levi. May mga tama ng bala sa katawan at ulo!

Nang tingnan niya ang sarili, wala siya ni anumang tama ng bala. Sino ang bumaril kay Levi? Ang buong akala ni Ram, binaril na siya ni Levi! Nakaumang ang baril nito kanina at talagang kakalibitin na ang gatilyo. Sino ang bumaril kay Levi?

Hanggang makarinig siya ng mga nag-uusap sa di-kalayuan.

“I-secure ang lugar! Siguruhing walang kasama ang suspect.”

Mga pulis!

Gustong kumilos ni Ram subalit hindi niya maigalaw ang katawan habang nakapasok sa pagitan ng alambre. Parang namanhid ang katawan niya.

“Ligtas ka na Sir!”

Narinig ni Ram sa lumapit na pulis.

At tinulungan si Ram na makaalis sa pagitan ng mga alambre. Dahan-dahan siyang nakalabas at hindi na natinik.

“Salamat at dumating kayo!”

“May tumawag sa aming station – Sir Manuel ang pangalan. Sinabing may nangyayaring kaguluhan dito. Actually, matagal na naming sinu-surveillance ang resort na ito. Dito may ibi­nabagsak na droga. Kaso hindi naman mahuli ang mastermind. Hanggang makumpirma namin na narito ang mastermind na nagnganga­lang Levi. At positive nga. Eksakto sa pagdating namin na nakatutok ang baril niya sa iyo. Wala kaming magawa kundi barilin siya.’’

“Salamat sa inyo. Kung hindi n’yo binaril si Levi maaaring ako ang patay ngayon.’’

“Etong si Levi ay nasa listahan ng most wanted sa illegal drugs. Bukod sa drug trafficker ay mayroon din siyang mga illegal na gawain. Nagpapadala siya ng mga babaeng menor-de-edad sa ibang bansa para doon magbenta ng laman. Kaya etong pagkapatay namin kay Levi ay malaking accomplishment.’’

Nang may maalala si Ram.

“Excuse me, meron ba kayong nasalubong na babae – magandang babae?’’

“Wala. Kasama mo ba siya?’’

“Oo. Sampaguita ang pangalan niya.’’

“Wala kaming nasalubong.’’

Nangamba si Ram. Baka kaya napahamak sa killer pukyutan si Sam.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUKOD

HANGGANG

LEVI

MGA

NANG

RAM

SINO

SIR MANUEL

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with