^

Punto Mo

Manong Wen (214)

Pang-masa

MAGKASAMA sina Jo at Princess sa paghahanap ng impormasyon para makita ang mag-ina ni Tatang Nado. Dahil walang naibigay na pangalan si Tatang Nado ukol sa mag-ina, ang pinuntahan nila ay ang munisipyo kung saan ay nagtrabaho si Tatang Nado bilang inspector ng palengke. Natandaan ni Jo ang mga sinabi ni Tatang Nado na siya ang nag-aaprub ng mga stall o tindahan sa palengke. Malaki raw ang kinikita ni Tatang Nado noon na pawang nauuwi sa bisyo — pambababae, pagsusugal at alak.

Positibo ang pagtungo nila sa munisipyo sapagkat meron agad silang nalaman. Nagtanong muna sila kung may kilalang Tatang Nado.

“Sir kilala mo ba si Tatang Nado?” tanong ni Jo sa isang may-edad ng lalaki sa infor­mation sa lobby.

“Tatang Nado? Wala akong kilalang Tatang Nado?’’

“Yun pong dating inspector sa palengke? Mataas siyang lalaki at medyo guwapo. Kayumanggi siya.’’

“Nado ba ang pangalan?”

“Opo.’’

“Baka si Iluminado! Yung iniwan ng asawa!’’

“Siyanga po. Ano po ang pangalan ng asawa at anak niya?”

“Violeta ang pangalan ng asawa at ’yung anak naman nila ay Noime.’’

Tuwang-tuwa sina Jo at Princess.

“E Sir, alam mo ba kung nasaan sina Violeta at Noime?’’

“Naku, wala akong alam. Matagal nang nangyari iyon. Baka may 20 taon na.’’

“Wala ka pong balita sa kanila?”

“Wala po. E bakit n’yo po ba naitanong si Nado?”

Nakapag-isip agad ng sagot si Jo.

“Kasi po’y kaklase si Tatang Nado ng parents namin. Gusto lang malaman kung nasaan siya.’’

“Ah, ganun ba? Sorry ha, wala akong alam e.”

“Salamat po, Sir.”

Nagpaalam na sina Jo.

Sinimulan na nina Jo ang paghahanap kina Violeta at Noime. Nagtanung-tanong na sila.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

DAHIL

E SIR

NADO

NOIME

TATANG

TATANG NADO

VIOLETA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with