^

Punto Mo

Manong Wen (199)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGHIHINTAY na si Princess sa pagdating ni Diego. Sabik nang malaman kung ano ang nangyari kay Jo. Nasa may pintuan pa lamang ng room ni Mam Diana ay sinalubong na agad ni Princess si Diego.

‘‘Manong ano pong balita kay Jo? Nakita mo po ba siya?’’

Eto na ang pinakamahirap na sandali, ang sabihin na hindi niya natagpuan si Jo, sabi ni Diego sa sarili. Pero nagpakatatag siya sa pagsasabi kay Princess.

‘‘Hindi ko nakita si Jo, Princess. Ginalugad ko ang damuhan at ang kakahuyan, lahat na, pero wala akong nakita.’’

Hindi na napigilan ni Princess ang sarili at napaiyak. Ngumuyngoy. Para bang wala nang pag-asang makita pa si Jo.

‘‘Pero huwag kang mag-alala at bukas na bukas din ay pupuntahan ko ang isa pang ospital dito sa barangay at sa bayan at baka sakaling naroon si Jo. Malakas ang kutob ko, Princess.’’

“Bakit po, Manong? May hinala ka po bang nasa ospital si Jo?’’

Tumango si Diego.

“Bakit po?’’

“May nakita kasi akong mga patak ng dugo sa damuhan. Sinundan ko ang mga patak pero nang sumapit sa sapa, nawala ang mga patak. Ang suspetsa ko, dahil malakas  ang agos, nagpatangay na lang si Jo hanggang sa iluwa sa ilog. At mula sa ilog, iniluwa naman siya sa dagat. Kasi malapit na ang dagat dito.’’

‘‘Diyos ko, baka may nangyari sa kanya habang nagpapaanod sa sapa o ilog. Baka sumabit siya sa mga nakabaon na kahoy sa sapa at doon na...’’

‘‘Huwag kang mag-isip ng negatibo, Princess. Hindi naman siguro mangyayari kay Jo ’yun. Sabi mo nga, matapang at matatag si Jo at palagay ko, kaya niyang lampasan ang anumang hadlang sa kanya. Palagay ko, nagpatianod siya para mabilis na makarating sa mga bahayan at makahingi ng tulong.’’

“Sana po, hindi ko siya iniwan nang nakikipag­laban sa mga kidnapper. Sana, natulungan ko siya. Sana, hindi siya nawala.’’

“Huwag mong sisihin ang sarili mo, Princess. Di ba sabi mo, pinatakas kayo ni Jo. Siya pa ang nag-utos na tumakbo na kayo. Kaya kayo pinatakas ay dahil alam niyang kaya ang dalawang kidnapper.’’

‘‘Opo. Pero sana hindi ko siya iniwan. Sana sinamahan ko siya kahit saan. Sana… dinamayan ko siya…’’ at umiyak pang lalo si Princess. Sising-sisi kung bakit iniwan si Jo. (Itutuloy)

vuukle comment

BAKIT

HUWAG

MAM DIANA

MANONG

PERO

PRINCESS

SANA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with