^

Punto Mo

10 Quick Beauty Tips

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1. Hindi kaagad matatanggal ang lipstick sa lips kung papahiran muna ito ng foundation bago aplayan ng lipstick.

2. Painitin muna sandali ng hair dryer ang eyelash curler bago gamitin upang maging matibay ang “curl” ng eyelashes.

3. Dampian ng Visine ang acne upang matanggal ang pamumula.

4. Kung naubusan ng mascara, puwedeng ihalili ang Vaseline petroleum jelly.

5. Bago tasahan (to sharpen) ang eye pencil or eyeliner, ilagay muna ito sa freezer ng 10 to 15 minutes upang hindi madurog ang eyeliner habang tinatasahan.

6. Upang kuminis ang legs, pahiran ito ng dinurog na avocado­ at hayaan ng 15 minutes. Magsisilbing natural moisturizer­ ang oil mula sa avocado.

7. Ang isang paraan upang ayusin ang “kalat” na eyebrow: Ispreyan ng hair spray ang malinis na sepilyong hindi na ginagamit. Ito ang “isuklay” sa “kalat” na eyebrow.

8. Nangangati ba ang inyong anit dahil sa dandruff? Pisaan ng calamansi o dalanghita (para mas maraming juice) ang area ng anit na pinamumugaran ng dandruff. Hayaang mababad ang anit ng 10 minuto. Kusang matatanggal ang dandruff dahil sa acidity ng calamansi o dalanghita.

9. May importante kang lakad kinabukasan pero napansin mong halata na ang iyong wrinkles sa mukha at may ilang piraso pang tagihawat. Ano ang gagawin? Bago matulog ay pahiran ang mukha ng retinoid cream (pagkatapos linisin). Overnight superheroes ang tawag sa retinoid cream dahil sa buong magdamag ay kaya nitong burahin ang fine wrinkles at patuyuin o paliitin ang namamagang  tagihawat. 

10. Para hindi magmukhang sinabunutan ang buhok paggising sa umaga, ang gamitin punda ng unan ay yari sa satin. Ito kasi ay makintab, madulas at ma­lambot sa balat.

vuukle comment

ANO

DAMPIAN

HAYAANG

ISPREYAN

KUSANG

MAGSISILBING

NANGANGATI

PAINITIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with