^

Punto Mo

Uok (217)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT alam na alam mo ang nangyari nang mawala ang kuwintas ko, Drew?” tanong ni Gab habang nakahawak sa braso ng nobyo.

“Huwag kang magagalit.”

“Hindi ako magagalit, promise.’’

“Nakita kitang naliligo sa batalan, Gab.’’

Napamaang si Gab. Hindi inaasahan ang sinabi ni Drew. Mga ilang segundo ang naka­lipas bago nakapagsalita.

“Nakita mo akong naliligo sa batalan?”

“Oo.’’

“Ibig mong sabihin, sinilipan mo ako?”

“Parang ganun na nga, Gab.’’

“Maraming beses?”

Tumango si Drew.

“Ibig mong sabihin, wala na pala akong maitatago sa’yo. Bistado mo na ang buong katawan ko?”

“Oo Gab. Napakaganda mo. Walang kasingganda ang katawan mo.’’

“Paanong nangyari at n­a­silipan mo ako? Saan nangyari?”

“Nasa bintana ako ng bahay ni Tiyo Iluminado nang makita ka.’’

“Dun sa lumang bahay ni Tiyo Iluminado?”

“Oo. Yung bintana ng bahay ni Tiyo ay eksaktong ka­tapat ng batalan. Pagdungaw ko nakita kita. Naliligo ka. Hubad­ na hubad ka. Para kang diwata, Gab.’’

“Anong ginagawa ko?”

“Siyempre nagsasabon ng katawan.”

“Kakahiya pala ang ginagawa ko. Huwag mo nang ikuwento, Drew.’’

“Bakit naman. Maganda nga e.’’

“Huwag na.”

“Pakinggan mo lang, Gab. Dahil sa paninilip ko kaya ako nagkaroon ng interes sa iyo.’’

“Pinagnasaan mo lang yata ako. Hindi mo naman yata ako talaga mahal. Ito lang katawan ko ang gusto mo…”

“Hindi, Gab. Mahal na mahal kita!”

(Itutuloy)

 

vuukle comment

AKO

ANONG

GAB

HUWAG

IBIG

NAKITA

OO

OO GAB

TIYO ILUMINADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with