^

Punto Mo

Mga maling akusasyon sa Katoliko (Last Part)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Hindi “Christian” ang mga Katoliko.

In fact, ang mga Katoliko ang kauna-unahang “Christians”. Kung ikukumpara ang Catholic doctrines and teachings sa sinaunang Christian writings, iyon ay walang pagkakaiba. Bukod dito, tinatanggap ng mga historians na Catholic Church ang kauna-unahang Christian Church base sa resulta ng kanilang pagsasaliksik.

Anti-science ang Simbahang Katoliko.

Kung totoo ito, sana’y walang science subject sa mga Catholic school. Hindi tinututulan ng Simbahang Katoliko ang Theory of Evolution. Ayon sa mga report, ang American Protestant at ibang evangelical religions ang  hindi naniniwala sa theory na nabanggit.

Si Emperor Constantine ang nagtayo o nag-imbento ng Simbahang Katoliko noong 325 AD.

Paano mangyayari iyon, nang maging Kristiyano si Emperor Constantine ay 300 years old na ang Simbahang Katoliko. Napagkamalan lang na siya ang founder dahil siya ang nagpasimula ng pagtitipon ng mga Katoliko na tinawag nilang Ecumenical Council of Nicaea. Siya ang emperor na nagpatigil ng pagpaparusa sa mga taong pinaghihinalaang naniniwala sa Kristiyanismo. Mga 40 years old na siya nang yakapin niya ang  Kristiyanismo.

Ang Papa ay walang pagkakamali.

Hindi sa lahat ng pagkakataon. May tatlong sitwasyon kung kailan siya ikinukunsiderang walang pagkakamali (infallible):

1. Kung siya ay gumagawa ng kautusan hinggil sa pana­nampalataya at moralidad ng Katoliko.

2. Kung ang kanyang mga deklarasyon ay batas na paiiralin sa buong Simbahang Katoliko.

3. Kung ang kanyang deklarasyon ay kumakatawan sa buong Papacy (government of Roman Catholic Church) at hindi mula sa kanyang personal na pananaw.  

vuukle comment

AMERICAN PROTESTANT

ANG PAPA

CATHOLIC CHURCH

CHRISTIAN CHURCH

ECUMENICAL COUNCIL OF NICAEA

EMPEROR CONSTANTINE

KATOLIKO

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with