^

Punto Mo

‘Binabae’ inineksiyunan ng semento at sealant ng pekeng doktor

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SI Rajee Narinesingh, 48, ng Miami, Florida ay dating lalaki pero namumuhay na parang babae. Gusto ni Rajee na magkaroon nang magandang mukha. At para matupad ang kanyang pangarap, kailangan niyang maipaayos ang mukha sa isang doktor.

Hanggang sa makilala niya si Oneal Ron Morris. Ang akala ni Rajee ay totoong doktor si Morris. Hindi pala. Isa pala itong pekeng doktor. Laking pagsisisi ni Rajee sa ginawa sa kanya.

Sa halip na gumanda ang kanyang mukha, lalo pa itong pinapangit ng pekeng doktor.  Ayon kay Rajee, inineksiyunan siya ng pinaghalong semento at sealant.

Dahil doon, nagkaroon ng mga bukol-bukol sa pisngi si Rajee. Nagkabaku-bako ang kanyang baba at lumobo ang kanyang mga labi.

Idinemanda ni Rajee si Morris. Natuklasan niya na kalalabas lang pala nito ng bilangguan dahil sa ginawang pag-inject din sa mukha ng ibang pasyente. Natuklasan din ni Rajee na isa rin palang “binabae” si Morris.

 

vuukle comment

AYON

DAHIL

HANGGANG

IDINEMANDA

ISA

NAGKABAKU

NATUKLASAN

ONEAL RON MORRIS

RAJEE

RAJEE NARINESINGH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with