^

Punto Mo

‘Sira at dispalinghadong appliances’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ISA sa mga dahilan kung bakit marami ang mga naloloko ng mga naglilibot at nagbabahay-bahay na mga ahente ng mga produkto, ay ang boladas at litanyang bagsak-presyo.

Maging ito man ay pagkain, damit at home appliances, basta bagsak-presyo, laging patok sa publiko.

Hindi naman nilalahat, subalit marahil dala na rin ng am­bisyong magkaroon ng mga gamit at kahit papaano’y makapagpundar, marami ang mga pumapatol sa ganitong uri ng mga produkto.

Hindi na bago sa mga komunidad ang mga nagbabahay-bahay at nag-aalok ng home appliances.

Depende sa kanilang bitbit, alam nila kung saan pupunta at kung sino ang kanilang target.

Ang kanilang bentahe, di-hamak na mas mababa umano ang presyo ng kanilang ibinibenta kumpara sa regular na presyo sa mga kilala at malalaking appliance center.

Si “Myrna,” residente ng Tondo, Maynila, bumili ng DVD player sa dalawang ahenteng personal na pumunta sa kanyang bahay.

Ayon kay Myrna, wala talaga siyang balak bumili dahil P5,900 ang alok na presyo.

Subalit nang alukin siya ng half-the-price, agad niya itong binili sa paniwalaang nakatipid at naisahan niya ang dalawang kolokoy.

Lingid sa kanyang kaalaman, mahinang klase at dispalinghado pala ang nabili niyang DVD player.

At ang masaklap pa, binigyan nga siya ng isang taong warranty subalit nang hagilapin ang mga putok sa buhong ahente, kapwa hindi na sila makontak.

Ngayong papatapos na ang taon, siguradong marami ang mga naglilibot at nag-aalok ng mga produktong ihahabol sa mga okasyon o ‘di naman kaya panregalo.

Tandaan, alam ng mga fly-by-night na mga ahente kung sino ang kanilang target at pupuntahan.

Bagamat mayroon ding mga matitino at legal na nagbebenta sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay, mas marami pa rin ang mga manloloko at mapanlinlang.

Paalala sa publiko, maging mapanuri at huwag agad magpapaniwala sa mga boladas ng mga talpulano’t talpulanang kumakatok sa inyo.

Upang makasiguro at hindi malinlang, mas mabuting bumili sa mga kilala at subok na ninyong tindahan.

vuukle comment

AYON

BAGAMAT

LINGID

MAYNILA

MYRNA

NGAYONG

PAALALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with