^

Punto Mo

EDITORYAL - Sabihin ang lahat at tapos ang kaso!

Pang-masa

M AGANDA ang payo ni Sen. Miriam Defensor Santiago kay Janet Lim Napoles, umano’y pork barrel scam mastermind, na sabihin na ang lahat nang nalalaman ukol sa kontrobersiyal na PDAF. Kapag daw sinabi ni Napoles ang lahat nang nalalaman ukol sa kaso, tapos na ang problema nito. Naniniwala ang senadora na mayroong mas guilty pa kaysa kay Napoles.

Sabi pa ni Santiago, nanganganib ang buhay ni Napoles. Maaari raw itong ipapatay ng isang tao. Kung sasabihin daw ni Napoles ang lahat nang nalalaman, maaaring hindi na ito ipapatay sapagkat nasabi na ang mga mahahalaga. Kaya dapat daw mag-isip si Napoles at sabihin ang lahat sa Senado. Kapag daw nasabi, wala nang dapat katakutan si Napoles. Kahit daw maglakad ito nang hubad ay walang papansin.

Pero nanatiling matigas si Napoles at walang sinabi kundi “hindi ko po alam”. Hindi rin ito natakot sa bantang ipapapatay siya ng isang taong kilala ni Santiago.

Sana ay makapag-isip-isip pa si Napoles habang nasa kulungan sa Sta. Rosa, Laguna. Sana mapag­limi niya ang mga sinabi ni Santiago at magbago ng isip at sabihin ang lahat nang nalalaman. Ibuka na sana niya ang bibig at sabihin ang lahat ukol sa PDAF at maski sa Malampaya funds. Tatlong se­nador at mahigit 20 congressmen ang sangkot sa pork barrel­ misuse. Nasa P10 bilyon umano ang naibulsa ni Napoles mula sa PDAF sa pamamagitan ng mga pekeng non-government organizations (NGOs). Sinampahan na sila ng kaso sa Ombudsman.

Maaaring makatulong ang payo ni Santiago kay Napoles at sana magkaroon ng epekto. Dating RTC judge si Santiago kaya alam niya kung paano gumagalaw ang batas. Sundin sana siya ni Napoles para matapos na ang kasong ito at nang malaman ang buong katotohanan.

 

vuukle comment

IBUKA

JANET LIM NAPOLES

KAHIT

KAPAG

KAYA

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

NANG

NAPOLES

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with