^

Punto Mo

Lampong (413)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“FRANC, lasing ka na yata. Ba’t ka nag­huhubad, hik!”

Pero hindi na sumagot si Franc at patuloy sa pag­hu­hubad. Lumantad ang ma­gandang pangangatawan. May mga “pandesal” sa tiyan. Mulagat si Jinky. Iyon ang mga “pandesal” na nakita niya habang hubad na naliligo sa ilog si Franc. Malinaw na malinaw pa sa gunita niya ang mga ginawa ni Franc habang naliligo. Sumampa ito sa pampang at humarap sa kanyang pinagtataguan. Nakita niya ang “nakabiting sawa” sa pagitan ng mga hita. Malinaw na malinaw pa sa alaala niya ang “nakabiting sawa”. Ilang beses napalunok si Jinky habang inaalala iyon. Lasing na nga yata siya. Pero bakit malinaw na malinaw ang pag-iisip niya?

“O anong iniisip mo Jinky Baby? Nagulat ka ba sa sexy body, hehe!”

“Ha a e hindi, may naisip lang ako, Franc, hik.”

“Really?’’

“O baka naman dahil nakita mo nang minsan ang katawan kong ito.”

“Hindi! Ba’t ko naman makikita yan, hik!”

“Hindi mo ba ako binosohan habang naliligo sa sapa?”

“Ba’t naman kita bobosohan, Franc?” Tanong niyang nagtataka. Ba’t kaya nahulaan ni Franc na binobosohan niya ito?

“Kasi’y parang nakakita ka ng multo nang mapagmasdan mo ang abs ko, hehehe! Parang napalunok ka pa, Jinky Baby.’’

“Hindi ‘no! Ba’t ako mapapalunok, hik!”

“Okey, okey, hindi na kung hindi,” sabi at ang pantalon naman ang sinimulang hubarin.

Hilakbot si Jinky.

“Franc, anong ginagawa mo? Ba’t mo hinuhubad ang pants mo, hik! Ano ba ito, hik!”

“Marami ka namang tinatanong Jinky. Alam ko, gusto mo rin ito.”

“Franc, ano ba, hik! Bakit ba ganito ang nangyayari? Nasaan ba mga bisita mo?”

“Darating na nga sila. Pero huwag mo na muna silang intindihin, Jinky baby. Ang intindihin mo ay ang ipagkakaloob ko sa’yo.’’

“Ano ba, Franc?”

Niyakap siya ni Franc. Hindi na nito itinuloy ang paghubad sa pantalon.

“Franc! Ano ba?”

Pero siniil na ni Franc ang kanyang malambot na leeg. Sinimsim ang bango roon. Mahigpit ang pagkakayakap ni Franc sa kanya. Patuloy ang pagsiil sa leeg niya. Parang hayok na hayok si Franc. At tila nakikiliti siya sa ginagawa ni Franc. Kailan ba niya huling natikman kay Dick ang ganito? Matagal na. Hindi na niya matandaan.

Patuloy si Franc sa pagsiil sa kanyang leeg. Hanggang sa may puno ng taynga niya ang sunod na binalingan. Parang bubuyog si Franc na sinasaid ang nectar sa kanyang may punong taynga. Kiliting-kiliti siya. Parang natatangay siya. Unti-unti ay parang bumibigay siya…

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ANO

FRANC

HIK

JINKY

JINKY BABY

MALINAW

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with