^

Punto Mo

Lalaki, naging mahusay na artist makaraang sumailalim sa heart transplant

- Arnel Medina - Pang-masa

SA buong buhay ni William Sheridan ng New York, hindi pa siya nakakahawak ng brush o anumang gamit sa pagpipinta. Hindi siya nakakapag-sketch. Hindi rin niya alam kung paano magpinta gamit ang water color, oil paint at iba pang medium. Pero nang operahan siya sa puso, isang malaking pagbabago ang nangyari kay Sheridan, naging mahusay siyang artist-painter. At maski si Sheridan ay hindi maipaliwanag kung bakit bigla siyang nahilig sa pagpipinta. Nagkaroon siya nang matinding pagkahumaling sa art. Napaka-gaganda ng kanyang sketches at marami ang humanga sa kanyang talento sa pagguhit.

Sumailalim sa heart transplant si Sheridan noong siya 63-anyos. Matagal din ang kanyang ipinaghintay bago na­isakatuparan ang transplant sapagkat walang pa siyang donor. Dumadaan din sa matinding pagsusuri ang lahat bago makapag-transplant.

Hanggang sa matupad din ang kanyang pinaka-hihintay. Mayroon na siyang organ donor. Agad siyang isinailalim sa operasyon.

Naging matagumpay ang transplant kay Sheridan. Mahusay ang kanyang doctor. Tuwang-tuwa siya at maging ang kanyang pa­milya. Nadugtungan ang kanyang buhay.

Nagpapagaling siya sa ope­rasyon nang magsimula ang kanyang pagkahilig sa pagpi­pinta. Marami siyang na-sketch habang nasa recovery room at napaka-gaganda. Maski ang mga doctor ay humanga sa kanyang mga likha.

Hanggang sa matuklasan ni Sheridan na ang kanyang organ donor pala ay isang mahusay na artist. Iyon pala ang dahilan ng kanyang pagiging mahusay magpinta.

Ayon sa mga eksperto, ang pheno­menon na iyon ay tinatawag na cellular­ memory. Hindi lamang umano ang utak ang may me­mory kundi pati ang ibang organs ng katawan gaya ng puso, kamay at iba pa.

 

vuukle comment

AYON

DUMADAAN

HANGGANG

KANYANG

NEW YORK

SHERIDAN

SHY

SIYA

WILLIAM SHERIDAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with