^

Punto Mo

Lampong (242)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

I LANG beses na ring nakita ni Dick ang katawan ni Jinky pero sa pagkakataong ito labis siyang na­bighani. Sa tingin ni Dick, lalong gumanda si Jinky. Mas maganda ngayon kaysa noong nasa Maynila pa. Dahil kaya noon ay iba ang nakakaimpluwen­siya sa kanya? Masyado siyang napaikot ni Puri. Na­ging sunud-sunuran sa utos ni Puri. Mabuti na lang natapos ang kasamaan ni Puri kaya nakawala si Jinky. Kung hindi baka naligaw na ng landas si Jinky. Mabuti at dito sa lugar na ito siya napadpad.

Nakita ni Dick na lumusong na sa sapa si Jinky. Lumangoy ito hanggang sa marating ang gitna ng sapa. Lumubog. Sa sobrang linaw ng tubig, kitang-kita ni Dick ang hubog ng katawan ni Jinky. Napakagandang pagmasdan habang lumalangoy. Sa tingin ni Dick ay mahigit 10 feet ang lalim ng sapa. Ilang ulit pang lumubog at lumitaw si Jinky. Mahusay lumangoy si Jinky. Maaaring noong nasa kolehiyo ay swimming ang PE ni Jinky bukod pa sa shooting.

Sa kabila na aliw na aliw si Dick sa panonood kay Jinky, kinakabahan din naman siya dahil baka may mga taong makakita kay Jinky at pagtangkaan siyang gahasain. Lalo na kapag nakitang walang saplot sa katawan. Sa panahon nga­yon na laganap ang droga, wala nang takot ang mga kriminal.

Nakiramdam si Dick sa paligid. Wala naman siyang naririnig na mga yabag na papalapit. Kapag may naram­daman siya, ipagtatanggol niya si Jinky. Ngayon pa ba niya pababayaan si Jinky na malaki na ang nagawang ukit sa kanyang puso?

Nang tingnan muli niya si Jinky ay paahon na ito sa tubig. Tapos nang maligo. Pinatuyo ang katawan sa sikat ng araw. Parang diyosa si Jinky habang nakabilad.

Hanggang sa makita niyang dinampot ang panty. Isinuot. Dinampot ang pantalon. Sinuot. Dinampot ang bra. Isinuot. Ang shirt ang isinunod. At panghuli ang jacket. Huling isinuksok ang baril sa tagiliran.

(Itutuloy)

vuukle comment

DAHIL

DICK

DINAMPOT

HANGGANG

HULING

ILANG

ISINUOT

ITUTULOY

JINKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with