^

Punto Mo

Lalaki sa England, naaktuhan na ‘nakikipag-sex’ sa Ambulansiya

- Arnel Medina - Pang-masa

KAPAG nagsama ang epekto ng alak at bawal na droga, masama ang bunga. Ganito ang nangyari sa isang lalaki sa Barnstaple, England na naaktuhan ng mga pulis na ipinipilit ang sarili sa isang nakaparadang ambulansiya. Hinuli ang bangag na lalaki at kinasuhan.

Ayon sa mga pulis, unang nakita ang lalaki na sinunog ang isang bag na may lamang mani sa isang phone box. Pero hindi nasiyahan ang lalaki sa ginawa kaya ang isang nakaparadang ambulansiya ang kanyang pinagtripan.

Pumuwesto umano ang lalaki sa unahan ng ambulansiya, inilabas ang “ari” at ipinipilit ito sa kawawang sasakyan. Walang tigil umano sa paggawa ng kahalayan ang bangag na mistulang ginagahasa ang walang kakilus-kilos na ambulansiya.

Dinakip ang lalaki at dinala sa presinto. Bukod sa lango sa alak, tumira pa umano ng marijuana at shabu ang lalaki. Iyon ang dahilan kaya labis ang pagkabaliw niya sa ambulansiya. 

Napatunayan ng korte na guilty ang lalaki sa pagkalango sa alak at paggamit ng Class B na droga. Hinatulan siya na magsagawa ng community order with supervision sa loob ng anim na buwan at multang £60. (www.wakkipedia.com)

 

vuukle comment

AYON

BARNSTAPLE

BUKOD

CLASS B

DINAKIP

GANITO

HINATULAN

HINULI

LALAKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with