^

PSN Showbiz

?Maine magiging Kapamilya na?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Katsipan at hindi dapat paniwalaan ang tsismis na mag-oober da bakod si Maine Mendoza sa ABS-CBN kaya hindi na siya napapanood sa Eat Bulaga.

Malinaw na imbento ang balita dahil sure naman tayo na hindi pa tapos ang kontrata ni Maine sa production company ni Papa Tony Tuviera, ang big boss ng TAPE, Inc. at APT Entertainment.

Two years old pa lang ang showbiz career ni Maine kaya tiyak na hindi pa tapos ang exclusive contract niya sa kompanya ni Papa Tony.

Lumitaw ang pantasya na tsismis na aalis si Maine sa Eat Bulaga dahil ilang araw na siya na hindi napapanood sa telebisyon mula nang ilabas niya ang kanyang open letter para sa AlDub fans nina Alden Richards at Maine.

Since then, kung anik-anik na ang mga speculation tungkol sa pananahimik ni Maine na napapabalita na matagal na magbabakasyon sa Amerika.

Wala man si Maine sa Eat Bulaga, walang ipinagbago ang busy schedule ni Alden Richards na left and right pa rin ang mga showbiz commitment.

Nag-aalala ang AlDub fans na baka may katotohanan ang kanilang mga naririnig na paghihiwalayin muna ang loveteam nina Alden at Maine kaya nagkaroon sila ng white rally sa Eat Bulaga studio sa Broadway Centrum noong nakaraang Biyernes.

Hindi ko pa alam ang plano ng mga namamahala sa showbiz career nina Alden at Maine. Basta excited ako sa balita na magkakaroon ng Philippine adaptation ng Descendants of the Sun at si Alden ang napipisil para gumanap sa karakter na pinasikat ng aking all-time favorite Korean actor na si Song Joong-ki.

?Encantadia itatapat sa Bagani

Maingay naman ang balita na diumano, ibabalik ng GMA 7 ang Encantadia para itapat sa Bagani, ang coming soon fantaserye ng ABS-CBN.

Tulad ng Encantadia, may mga karakter na may kapangyarihan sa apoy, tubig, hangin, at lupa ang Bagani kaya pinagkukumpara ang dalawang programa.

Ang sabi ng Encantadia loyal fans, ang Encantadia lamang ang puwedeng itapat ng GMA 7 sa primetime show ng ABS-CBN kaya dapat nang ibalik ang sikat na telefantasya ng Kapuso Network na nagbabu sa ere noong May 2017.

Mowelfund may pa seminar sa distribution at exhibition ng pelikula

May pakisuyo si Manay Ichu Maceda tungkol sa bagong project ng Mowelfund at ng National Cinema Association of the Philippines (NCAP), ang seminar tungkol sa distribution at exhibition ng pelikula na magaganap sa December 7 sa Sampaguita Gardens, 36 Valencia St., Quezon City mula 9 am hanggang 6 p.m.

Magsasalita sa seminar ang reputable at knowledgeable speakers at panelists, sina Evelyn Advincula, ang Operations Manager ng Robinson’s Cinema, James Bartolome, booking manager ng Ayala Cinemas, Christiani Caparas, general manager ng Vista Mall Cinemas at anak ng direktor na si Carlo Caparas, Dominic Du, ng NCAP, JJ Jacob, ang booking manager ng Warner Brothers, Maan Lopez, ang booking manager ng SM Cinemas, at Ronnie Ronquillo, ang booking manager ng Columbia Pictures.

Isang libong piso ang seminar fee para sa cost of materials, seminar implements, at information packages.

Para sa mga interesado na sumali sa seminar, maaaring tumawag sa Mowelfund’s secretariat na may landline na 727-1915 at 727-1961 o magpadala ng email sa [email protected].

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with