^

Metro

142 brgy. sa QC bibigyan ng ‘Tokhang Drop box’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang mabilis at lalong maging epektibo na makapagbigay ng impormasyon ang publiko sa mga awtoridad hinggil sa kampanya laban sa droga ay magbibi­gay ng ‘Oplan Tokhang Drop box’ ang Quezon City Police District (QCPD) sa 142 barangay sa lungsod.

Ayon kay QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, lahat ng matatanggap nilang sumbong at reklamo ay sasailalim sa masusing ebalwasyon at kapag nakum­pirma na balido ang impormasyon ay magsasagawa ang kanyang mga tauhan ng operasyon.

Ang ‘Oplan Tokhang Drop box ‘ay isang fiberglass na kulay asul na may tatak at logo ng QCPD, PDEA, DILG, LGU at iba pang ahensiya ng pamaha­laan na sinisimulang ng   idistribute sa lahat ng mga barangay sa Quezon City.

Ani Eleazar, ang kanilang layunin ay mahikayat ang mamamayan na magbigay ng information at makatulong sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga.

Tiniyak ni Eleazar na ma-nanatiling confidential ang sinumang residente na magbibigay ng sumbong at reklamo sa mga pusher at user ng droga sa kanilang lugar.

Hinihikayat din ni Eleazar ang publiko na ireklamo ang kanyang mga pulis na gumagawa ng katiwalian at magsasamantala sa kam­panya para manakot at mangikil.

“We are encouraging community participation. We need intelligence monitoring and the residents themselves know the people in their neighborhood. The information gathered would only be for case buildup and If we don’t have evidence, we cannot make an arrest.” sabi ni Eleazar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with